Musika

51 19 0
                                    


Musika ang siyang aking naging pahinga

Sa araw na parang hindi na ako makahinga

Ito ang naging sandalan at naging kasama

Kaagapay sa pagbuo ng mga ala-ala

Maging sa byahe ito ang naririnig ng aking mga tainga

Napapasabay sa bawat tugtog ng kanta

Pati sa mga sandaling ako'y tulala at walang gana

Musika ang siyang nagbibigay sa akin ng lakas at sigla.

Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon