Tulala

45 20 0
                                    

Nakita mo ang sariling laging nakatulala

Nalulunod ka sa bawat paghinga

Masasamang karanasan ay gustong mabura

Kinakalimutan ang masasamang ala-ala

Gusto mong bigtasin ang nakapulupot na tanikala

Na para bang gustong mong lumaya

Para hanapin ang totoong saya

Gustong mong bumangon at yakapin ang bagong simula

Napagtanto mong hindi pa huli ang lahat kaya sarili mo ay nagpasya

Nagpasyang isara ang unang pahina

At sumulat ng panibagong kabanta.

Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon