Ikaw ang kumumpleto sa puwang ng aking buhay
Ang mundo ko ay binigyan mo ng Iba't-ibang kulay
Mula sa blankong walang kabuhay-buhay
Ito'y naging isang talambubay
Pinta at brotsa ang siyang aking kaagapay
Sa tuwing ako'y mag-isa sa apat na sulok ng bahay
Pagpinta ang siyang naging tulay
Imahinasyon at malikot na kamay ay kumilos ng sabay
Nakabuo ng isang obra maestrang walang kapantay.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoetrySa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.