Aking Sinisinta

37 18 0
                                    


Kagandahan mong taglay ay isang diwata

Kilos mong parang si Maria Clara

Katangian mo ay nabubukod-tangi

Tunay ngang ika'y kapuri-puri


Ikaw ang aking sinisinta,

Ikaw ang iniisip sa tuwina

Sulyap mo pa lang ako'y napapangiti

Tuluyan na  talaga akong nabighani


Walang araw na hindi kita gustong makita

Gusto kitang alayan ng kanta gamit ang aking harana

Binibini, ikaw ang aking minimithi,

Kahit man lang sa puso mo ay ako ang magwagi.


Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon