Katawan Kong Ninakaw

46 19 0
                                    


Nakatitig sa salamin habang patay sindi ang ilaw

Malabong pigura ay aking natatanaw

Oras na naman ng kanyang pagdalaw

Katawan ko ay hindi na maigalaw


Ako ay ikaw

Kamatayan sa kanila ay ipapataw

Kasiyahan ang dulot ng kanilang palahaw

Sa dugo nila tayo'y magtatampisaw


Palaging ganito sa paglubog ng araw

Sa pagkitil ng buhay siya ay matakaw

Gusto kong sumigaw,

Ngunit ano pa ang magagawa kung katawan ko'y tuluyan na niyang ninakaw.




Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon