Masaya ang isang pamilya kapag ito'y kumpletoIsang sandalan kapag kalaban mo ang mundo
Sila ang iyong direksyon kapag ang landas mo ay hindi mo kabisado
At kapag ang isipan mo ay nalilito
Dahil sa kanila ay natuto kang lumaban at maging pursigido
Sa kahit ano man ang gusto mong isakatuparan na plano,
Ngunit ang lahat palang iyon ay mabubuhay lang sa salitang plano
Ngayon tinatanong ko ang aking sarili gamit ang salitang paano
Paano ako magsisimula ulit kung ang pinanghahawakan ko ay biglang naglaho
Kumislap ang mga mata at tuluyang dumaloy ang luhang tumulo
Tinitingnan ang isang basag na litrato
Na naging dahilan upang ako'y tuluyang sumuko
Dahil sira na ang pamilyang hinahangad kong mabuo.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoetrySa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.