Halos araw-araw ika'y hinahamon
Walang humpay na kalungkutan ang siyang sayo'y nagpabaon
Nalugmok sa sariling emosyon hanggang sa mawala ka sa sarili mong direksyon
Naglaho na parang bula ang iyong inspirasyon
Nahihirapan ka nang magdesisyon
Na para bang sa mundo ang buhay mo ay walang koneksyon
Nalilito kang hanapin ang masayahin mong bersyon
Kaya hindi madali ang malugmok sa ganitong sitwasyon
Kinakailangan ito ng agarang patnubay at epktibong solusyon
Kaya't isa tayo sa magiging pundasyon,
Upang bigyan sila ng lakas ng loob para makaahon
Sa mundong patuloy na humihila sa kanila tungo sa mga negatibong emosyon.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoetrySa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.