Chapter 1

105 5 0
                                    

Chapter 1

"Anong oras klase mo, dzai?"

Dinig kong tanong ni Angge habang nakapukol pa rin ang mga titig ko sa screen. "One o'clock, why?"

"Twelve-thirty na, inday." Ugali na ni Angge ang paalalahanan ako sa oras. Savior din ang isang ito para hindi ako ma-late sa klase. Occasionally, nakadepende naman sa akin iyon kung maaga ba akong aalis o mag-i-imagine muna?

"Don't worry, magpapa-late na 'ko." Bigla akong tinamad lumabas sa bahay. Gusto kong isulat na ang ending ng kuwentong ito ngayon sa Chapter III.

"Magpapa-late na naman ka? Tsk!" Inismiran niya ako at ibinalik ang tingin sa binabasa. "Buti na lang at hindi ka mina-mark ng prof mo as absent ano? Kay palagi ka man late sa klase niya ba."

Siraulong ito, pinag-overthink pa talaga ako.

"Pa'no kung maka-singco ka?"

"Angge naman!"

"Just to remind you." mabilis niyang pagputol.

"Sige na nga!"

"Very, very good girl!" Kumagat naman siya sa sweet corn na halos mapata na.

Iniwan kong nakabukas ang laptop at lumabas patungong banyo. Pagbalik ko sa kuwarto, nadatnan kong nakasandal na sa bintana si Angge, nagkakakape habang nagbabasa pa rin, pero, new story this time. Titled: No, Sir, which also falls in the mystery genre but is more of a psychological thriller.

Bilib din ako sa isang ito. Ang bilis niyang magbasa. Samantalang ako, inaabot pa ng dalawang buwan, minsan naman ay higit pa roon, bago matapos. Mas matimbang kasi ang procrastination kaysa kasipagan.

Ilang minuto pagkatapos kong isarado ang laptop at itinabi, pagbibihis at pag-aayos sa sarili, swinging the door, I bid farewell to Angge. "Bye, dzai!"

"Take care!"

"Likewise!" I slam the door and run off with my pointy school shoes. Ang hirap gumalaw kahit one-inch lang ang taas ng heel nito. I want to wear flat ones pero hindi allowed ang flat shoes sa school namin. Maraming rule roon. Even those BS Crim students dapat ay naka-charol. Mapababaeng crim student o lalaki, o kahit anong gender pa. Required sa kanila ang mag-charol shoes.

Kaming mga girl na non-crim learner pa, kailangan naming magtiis. Lalo na sa mga katulad kong hindi sanay sa takong. Sabi kasi ng dean namin, mas maganda at pormal raw tingnan kapag naka-heel kami para bumagay sa deep green na pencil skirt at creamy-white V-neck with right and left angle kind of collars blouse, may anim na maliliit na subtle green na butones. Gusto ko naman ang blouse namin. Perfect kasi sa slim body ko. It shows how lovely I am as a lady.

Wait, what? Lovely?

Haha, nagbuhat ako ng bangko. Anyone be proud of me, please; hindi ko ito ginagawa noon.

Come on, dati ay ayos lang sa akin kahit napakagusgusin ko. Bakit ngayon gusto kong magpaganda at maging maganda palagi?

Oh, no, no, you don't get it. Do you? Hindi ako in love. Puberty just hit me. Parte na ito ng aking pagiging dalaga. Nag-aayos ako para sa sarili ko. Since the beginning of my adolescence.

But sometimes, okay, fine, hindi talaga ako nag-aayos for myself pero for someone. Gusto kong maging attractive sa paningin niya dahil attracted din ako sa kanya. Kung paano ko siya tingnan, gusto ko ay ganoon din ang tingin niya sa akin.

Again, no, I am not in love, okay? Gusto ko lang siya. Crush lang. Hanggang doon lang.

Crush.

Crush ko ang tropa ko at gusto kong malaman niya iyon pero natatakot naman ako sa oras na malaman niya ito.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon