Chapter 21

4 0 0
                                    

Chapter 21

“Sa una lang ’yan.”

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Angge. Pagtingin ko sa daanang nakaligtaan kong isarado kanina, nakatayo siya roon nang bagsak ang mga balikat. Tinanggal ang salamin sa mata at tumuloy.

“Tapos sa huli, iiyak ka na.” aniya sabay tanggal sa brown leather doll shoes niya sa tabi, isinilid din ang eyeglasses sa tanned tote bag niyang katatanggal niya lamang sa kanyang balikat. Tumungo siya sa higaan. Ibinagsak ang katawan doon. Halatang komportable siya sa nakadapang posisyon habang nakaangat ang mga binti. Hindi rin maitatagong pagod na pagod siya sa trabaho. Yup, trabaho dahil, sa pagkakatanda ko, wala siyang pasok ngayon sa school. “Na-miss ko ’to.” masaya niyang sabi nang nakapikit, tila lumalangoy pa nang walang tubig at hindi natatanggal sa puwesto. Huminto. Huminga. Nagsabi, “Home.”

Pinagmasdan ko lamang si Angge. Nanininibago ako sa kanya. O baka kinulang na naman sa lambing? Tsk. Whatever. Bumaling ako sa harapan at nag-log out sa Rind Daybook account ko. Nag-search na lang ng anime pictures using internet explorer.

“Dzai.” Kahit ang boses niya, medyo lumumanay.

“Bakit?”

“Labas tayo?”

Kung kailan nag-e-enjoy ako rito. Ang sarap sa matang tingnan ang pictures ng mga paborito kong anime character, e. “Anong kukunin natin sa labas?”

“Magpapahangin lang.”

“Baka magde-date kamo.” Ayaw ko nang madali ng lokang iyan. Gawin na naman akong third-wheel. Sa dinamirami ng role na puwedeng ibigay sa akin, iyong pinakaayaw ko pa. “Ayoko nga.”

“Sige na, dzai.”

“Ba’t ba kasi?”

“Magpapahangin nga.”

“Aside from that?”

Gumulong siya patihaya, tumitig ang mga mata sa kisame ng malambot niyang kama. “I  want to forget him na.”

“Ha?” Mabilis ko siyang nilingon dahil sa sobrang shocked ko. “Anong forget ang pinagsasabi mo?”

Huminga siya nang maluwang at mas lalong tumibay ang malungkot na mga mata sa medyo madilim na ibabaw niya. “Wala na kami ni Jordan.”

Sinasabi ko na nga ba, e. May kakaiba sa isang ito. Kung hindi ipinagtapat baka hanggang bukas manghuhula lang ako. Dahil sa pagsasabi niya ng totoo, napatango niya ako at sinamahan siyang magpahangin palayo sa boarding house naming medyo nakasusulasok.

“Alam mo, dzai?” panimula niya. Nakakurba ang mga tuhod at nakalibot ang mga braso ng kamay niya rito, ang kaliwa ay may hawak na isang bote ng alak.

Ilang minuto na ang nakararaan nang dumating kami rito sa plaza. Medyo kakaunti na ang tao pero safe naman. Iyong mga street lamp ay nakasindi. Parehas kaming nakaupo sa malinis na damuhan, magkaharap at ang namamagitan sa amin ay ang mga tsitsirya at limang soda in can na pinamili niya roon sa bagong bukas na convenience store.

“Hindi ko in-expect na aabot kami sa ganito.”

Pinanood ko lang siyang nagsasalita habang nakakrus ang aking mga paa ko sabay subo ng Flatty Cream Cup— ang paborito kong ice cream.

“Iyong sweetness kasi na ipinapakita’t ipinaparamdam niya sa akin, ibang-iba. So different sa exes ko.”

“Paanong different?” Baka kailangan niya ring tanungin para magpatuloy sa pagkukuwento.

“Sobrang sweet, as in, madadama mo to the bones ang love niya, ang pagiging clingy and everything.”

“Tapos?”

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon