Chapter 3

80 5 0
                                    

Chapter 3

Sumundot ako gamit ang infinity-shaped stick sa isang cup ng ice cream na inilibre sa akin ni Angge. Kanina ay kabardagulan ko lang doon sa loob ng 7-Eleven. But now? Hayun, ayaw nang humiwalay sa braso ni Jordan. Kabi-break lang nila tapos nag-come back din agad.

Ako naman itong si the-bitter-third-wheel, nakasunod sa magkadikit na dalawang sweet lovers na ang babagal maglakad.

Oh to my hard-luck life.

Bakit ko ba sinamahan si Angge? No, change the question— bakit ako pa ang isinama ni Angge sa date nila ni Jordan?

"Nilalamig ka ba, babe?"

Parang batang tumango si Angge kay Jordan.

Huminto silang dalawa, pati rin ako. Tinanggal ni Jordan ang dyaket niya at ipinatong sa magkabilang balikat ni Angge. "I hope that warms you up, baby." sabi ni Jordan.

Umagikgik si Angge sabay iwas tingin, hawak ang ibabaw ng dyaket. "Ano ka ba, babe. Makita lang kita, I feel warm na." nahihiya na kinikilig niyang sambit. Natigilan naman nang ilibot ni Jordan ang kamay niya sa baywang nito. Naghiwalay ang mga labi saka itinikom, nagba-blush.

"Les go, baby ko."

"Les go, baby."

Nagpatuloy sila.

Ang sarap nilang tsinelasin ngayong naiwan akong nakatayo rito sa mamasamasang kalsada dahil sa hamog kanina. Namamarak ang mga paa kong lulan ng dalawang paris ng green flip flop. Umaakyat ang lamig sa aking payat ngunit medyo mabalahibong binti sa dulo ng puting capri pants na ang golden yellow na butones ay halos matakpan ng small-sized na damit ko. Pinatungan ng navy blue bomber jacket para hindi ginawin.

Walang epekto. Nilalamig pa rin ako. Namamawis pa sa halumigmig ang cup ng ice cream na dala ko mula kanina. Solve naman ang gabi ni Angge. May nagpapainit at nang-aangkin sa kanya.

"Juliet!"

Bumalik ako sa huwisyo. Nasa dulo na pala sina Angge at Jordan, hinihintay ako.

"Halika na!"

Ang in-a-relationship girl na 'yan! Gusto talagang ipadama ang bagsik ng mundo para sa mga katulad kong single lady. Kung hindi ko lang kaibigan, lumiko na ako.

"Ano pa bang ginagawa mo there, dzai?"

Hinila niya ako papunta sa kanila ng syota niya. Muntik akong madapa. Hindi namamalayang sumasabay na ang mga paa sa lakad nilang dalawa.

"I thought talaga nawala ka, e."

Kung puwede lang, Angge, kahit ngayong oras lang mawala ako. Baka hindi ako makapagpigil at mamura ko silang dalawa. Ang malala, ako pa ang namamagitan sa couple na ito.

Frankly, uneasy ako sa ganitong sitwasyon. Dumahandahan na rin ang hakbang ko para hindi makasabay sa kanila. Pero, tinamaan ng lintek! Sa akin naman sila sumasabay.

I don't want to do this because it seems disrespectful to their relationship but, sorry not sorry, hindi ko na kaya.

Lumipat ako ng puwesto, papunta sa kanan ni Angge nang hindi niya namamalayan dahil kanina na siyang nagsasalita. Siya na ngayon ang nasa gitna namin ni Jordan. I find comfort in this stance somehow. Sana rin ay hindi mag-iisip si Jordan ng kakaiba sa akin, best sana ay hindi niya rin napansin.

Ang totoo kasi ng iyon, bukod sa hindi ko gusto ang gitnang puwesto, ayaw ko ring tumabi kay Jordan. Takot ako sa mga lalaki.

Believe me. Hindi sa pagiging maarte. I'm just absolutely scared of boys. Even the minimal spaces between me and them, kulang na lang iigtad ako para hindi lang sila makatabi.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon