Chapter 27

4 0 0
                                    

Chapter 27

The event started with a bang and then an intermission number from ten sophomore crim students. Hindi ko masyado makita ang sumasayaw sa taas ng stage dahil sa dami ng tao sa harapan, nakatayo ang iba; samantalang kami rito ay nakaupo sa aming table. I’m sure enough naman na hip-hop ang sinasayaw nila based na rin sa beat at transition ng kanta. Nang matapos, isang masigabong palakpakan ang sumalubong habang hingal na hingal ang dancers sa kanilang final standing na nakataas ang kamao sa ere at nakahawak sa baywang nila; puti ang kanilang suot na parang mga gymnast person. Seconds later, magkakasabay silang umalis sa stage at umupo rin ang mga tao sa unahan. Sa wakas.

“Thank you very much for that wonderful dance movements, BS Crim Section-2-A MABALASIK.” Ibinalik ng master of ceremony ang tingin sa platapormang kinatatayuan niya at tiningnan kung ano ang kasunod sa list of events. “At this juncture, we will witness another intermission number, a spoken word poetry, to be performed by Aleja Mytha Bello, graduating student and a photojournalist of the school’s publication. A round of applause, please.”

Nagpalakpakan muli kami. Medyo banayad kumpara kanina na parang bagsak na bagsak sa sobrang hype ng performance ng mga dancer. Tinanggap ng isang babae ang wireless microphone sa MC at pumwesto siya sa harapan. Walang spotlight pero tinatanglawan ng purple light ng fresnel lantern sa baba ang stage kaya maliwanag nang kaunti. May bonnet na gray ang babae. Rebonded ang V-cut na buhok. Naka-denim waistcoat at white shirt sa ilalim. Nakatali naman sa kanyang baywang ang red plaided jacket. Tapos ang nauusong style ng pantalon ngayon ang suot niya— ripped skinny jeans. Ang cool niyang tingnan tapos medyo skater ang datingan dahil sa high-cut na sapatos at mga baller band sa magkabila niyang kamay.

“Good evening, everyone.” May pagkabuo ang kanyang boses. Malamig pero malambing. Halatang sanay siyang humawak ng microphone, magsalita sa harapan ng maraming tao. Hindi makikita ang pagkakabado kundi ngiti at pananabik na maipamalas sa madla ang kanyang talento. “I wrote a spoken word poetry na entry ko sana for the Cruel Summer Party next year pero, sabi ko, matagal pa naman ’yon, so I decided na . . . dito ko na lang i-perform. By the way, ang title ng tulang ito is Talo, which I truly dedicate para sa mga matatapang na umamin at sa mga natatakot na umamin.”

Naghiyawan ang lahat pagkasabi niya roon. It sends coolness and enthusiasm naman talaga. Pati nga ang mga tropa ko, nagkakagulo na rito sa table namin except sa aming dalawa ni Bakal, sina Ate Jennifer at Catherine ang namamagitan sa amin.

“Talo by yours truly.”

Magsisimula na sana si ate nang umakyat ang lalaki na marahil ay isa sa mga organizer ng event. Ibinigay ang micstand sa babae at tinulungang ipansak doon ang mikropono bago bumaba.

“Again, I’m Aleja Mytha Bello, going to perform my own piece.”

Tumahimik ang paligid.

Huminga si Aleja Mytha at nagsimula. “Aminado ako, aminado akong pangit ka.”

Natawa ang ilan doon sa sobrang straight ng linyahan. Pero tumahimik din kaagad.

“Wala akong pake sa iyong presensiya.”

Napahigop ako sa aking juice.

“Hanggang isang araw, nagulat ako sa pagdating mo. Halos maalis na sa lugar ang aking puso. Ayos na ayos ka kasi, hindi ka naman ganiyan dati.”

Diyos ko, hindi ko alam kung paano ibaba itong basong sinisimsiman ko.

“Ipinagpalagay ko na lang na ikaw ay good mood kaya ka blooming.”

Sinisilip ko si Bakal sa gilid ng aking mata. Ang blooming niya ngayong gabi.

“O baka binati ka ng crush mo kaya ang mga smile mo outstanding.”

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon