Chapter 16

4 0 0
                                    

Chapter 16

Quarter to one ng tanghali. Dumiretso ako sa study area. Inilapag ang backpack sa puting mesa sabay upo at pinag-aralan ang reviewer na ginawa ko para sa second day ng examination ko, ngayong araw.

Habang tumatagal, dumarami na nang dumarami ang estudyante at napupuno na rin ang noon ay bawat bakanteng upuang nakasilid sa mga mesa. Napasilip ako sa aking wristwatch. Ten minutes na lang at magri-ring na ang bell. Hello, hell, again. I mean, hello, exam. Hindi ba puwedeng aral lang? Wala ng exam? Umiinit ang ulo ko. Lalamig lang ata kung mawawala iyong babae na kasama ni Bakal kahapon.

Hmp! Makaalis na nga! Mas lalo ko siyang naiisip kapag mag-isa ako, e.

Ginamit ko ang alternative stair papuntang second floor dahil sa RE room na ang first exam ko this afternoon. May dabog sa bawat hakbang ko paitaas. Ang bigat pa rin sa pakiramdam. Dito na lang ako magmumura dahil wala namang makakarinig. “Putangina! Leche! Peste! Tangina! Gago ka!”

“Belya?”

Napahinto ako sa pinakaibabaw na baitang ng hagdanan, hawak ang silver rail. Nasorpresa sa presensya ng tibo na naka-full criminology student uniform. Sukbit ang itim na backpack. Ang tibo na nakaengkuwentro ko kagabi. “Rick?”

“Ako nga.” Bahagya siyang natawa, masaya ang mga tingin. “Dito ka pala nag-aaral?”

“A, o-oo.” Wala sa sarili akong napaakyat sa tread, sa wakas. “Ikaw rin, o.”

“Anong program?” nauutal niyang tanong ngunit may tuwa pa rin sa kanyang mga mata.

“Educ.” Hindi ko na itatanong ang program niya. Obvious namang criminology-student.

“A, e, teka, first-year ka ba?” She gestures her fingers out of her awareness. “Ngayon lang kasi kita nakita rito sa school.” Her eyes looks suspicious with a smile though.

“Uhm, yes, first-year.” sagot ko. “Ikaw? Anong year ka?”

“Second,” tipid niyang tugon.

Totoo nga. Ngayon ko lang napansin iyong dalawang yellow star sa collar ng blouse niya. Tiningnan ko siya. “So . . . saan ka galing?” Tama kaya iyong tanong ko or it should be, saan ka pupunta? Whatever.

“Diyan lang sa lab, may in-encode lang.” sagot niya, wala sa sarili niyang iniangat ang itim na flash drive. “Ikaw ba? Saan ka . . . pupunta?”

“Sa first exam ko ngayon?” Medyo hindi pa ako confident ang response ko.

“Ah.” Napatango siya, sana lang, sa kabila ng hindi ko pagiging sigurado ngayong mga minutong ito, na-assure siya sa sinabi ko. “So, anong oras ba matatapos ang last exam mo?”

“4:30.”

“Uy, same!” masaya niyang sambit. Akala mo naman, first-time maka-encounter ng kapareha niya ng time at babaeng ganito kaganda  sa akin. “Free ka ba after that?”

“Bakit hindi?” natatawang sabi ko.

“Labas tayo?”

“Labas?” It just slipped off of my mouth. Hindi ko in-expect ito. Second meeting pa namin tapos biglang may aya? Fine.

“As in, labas. Stroll. Street foods. And do’nt worry, treat ko naman, e.”

Nakakahiyang hindian ang unang aya. “Sure, brad.” Mahina kong kinamao ang braso niya. “Just wait mo for me na lang sa study area.”

“Sige.”

Eksakto namang nag-ring ang bell pagkatapos naming magpalitan ng mga salita tungkol sa gala at libre.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon