Chapter 25

4 0 0
                                    

Chapter 25

“Dzai, sorry. Hindi ko naman—”

“Opps!” I slide my hands apart, closing my eyes. Nasa likuran ko si Angge and I just stopped her from struggling to say her logical justifications. “Hindi mo na kailangang mag-explain, dzai. Alam ko na kung ano ang sasabihin mo.”

“Unsa man?”

I understand those words. I turn around to face her, hold my backpack strap. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapagbihis ng school uniform dahil sa kahahanap kay Angge. Nang makita nila ako ni Jordan kanina, dali-dali silang tumakbo sa akin tapos medyo nagtampo ako pauwi. Sumunod sila kaya narito na kami ngayon sa boarding house. “Na mahal na mahal mo si Jordan.”

Jordan is sitting silently on the bed. Pasulyap-sulyap siya sa amin. Para siyang batang guilty. For sure nafa-flutter sa sinabi ko.

“Na hindi mo siya kayang mawala.”

“Correct.”

“Pero, please, dzai, huwag mo namang gawin ’yong mga nadatnan ko rito kanina. Nakaabala pa ’ko sa iba. Halos ma-heart attack na rin. Akala ko tuloy wala ka na.”

“Sorry.” Malungkot siyang napanguso. In this situation, tila ako ang naging ate sa aming dalawa. “Nag-alala ka tuloy sa ’kin.”

“No! It’s just that naisip ko lang na magiging responsibility ko kapag mawala ka because you are my roommate.”

Walang nagsalita sa amin pagkatapos. Awkward.

Tumikhim ako at inayos ang sukbit kong bag. “Okay, fine. I worried.” Wala ng kailangan pang itago rito. Nasabi at naipakita ko naman sa mga kaibigan ko kung sino talaga ako kaya dapat ay hindi ko na rin itatago ang nararamdaman ko. Hiding my feelings should not be my thing anymore. “I worried a lot, Angeline.”

She displays her frown, teary-eyed. Sinunggaban niya ako ng yakap dahilan upang magulat ako. “I’m sorry, Juliet.” Humigpit ang yakap niya at humagulgol. “Sorry talaga, dzai. I behaved so selfish that time. Hindi kita naisip. Puro ako sarili ko at emotion.”

Niyakap ko na rin siya nang banayad. “Okay lang, dzai. Valid naman ang reasons mo. Pero please, don’t end your life.”

Natigilan siya. Tila umatras ang luha sa sinabi ko at kumalas sa yakap. Medyo basa ang gilid ng paningin niya. “Teka nga, sino bang nagsabing tatapusin ko ang buhay ko?”

Nagkibit-balikat ako. “I just thought at saka, may lubid do’n, o.”

Tumingin siya sa tinitingnan ko. “Oh my gosh!” Nilapitan niya ang makapal na tali sa baba ng bintana at dinampot. “This one ba?”

“Obviously, meron pa bang iba?”

“Oh no.” Iilang serye ng makupad na pag-iling ang ginawa ni Angge, hawak ang tali. “You’re wrong.”

Anong ibig niyang sabihin? “Paano?”

“I was just searching for my tsinelas under my bed kanina, threw this out because of irritation pero nakalimutan kong ibalik. I forgot to ligpit kaya nadatnan mong magulo rito.”

“Sa’n mo nakuha ang lubid?”

“Do you remember ’yong sinabi ko sa ’yong bibili ako ng kalabaw para kay inay at itay ko sa probinsiya?”

Umalon sa aking alaala ang araw na iyon. Iyon iyong bagay na sinabi niya na hindi ko napansin sa sobrang pangangambang makita niya ang totoong kuwentong isinusulat ko. Tama. “So ’yon pala?”

“Uhuh,” nakangiti niyang sabi. “At dahil walang pera . . . ” Iniangat niya ang tali. “Lubid muna.”

Nagpakawala na lang ako nang hininga sabay himas sa batok. Kaya naman pala. Hindi ko naisip kaagad iyon dala na rin ng pagkaraang mabalisa dahil sa roommate kong marupok.

Nagpaalam sila ni Jordan na kakain daw muna sila sa labas. Pinilit naman akong sumama ni Angge as a peace offering sa ginawa niya. E, kaso, sabi ko ay busy pa ako. Pilit ko siyang itinutulak palabas sa kuwarto ngunit hinihila naman ako. Gosh. Buti na lang nagawa kong isara ang pintuan bago pa ako madagit ng isang mason pero fragile na Angeline.

Nagbihis ako from school uniform to my comfortable plaided white nighty pagkatapos. Patalikod akong bumaba sa double deck bed, napahinto saglit sa ikaapat na baitang nang mapansin ang inukay kong mga damit na masinsinan at organisadong nakatupi sa gilid ng pader. May socialization pa pala bukas. Habang iniisip ang mga posibleng mangyari, nao-overwhelm ako. Parang naghalo ang kaba at pagkaniyerbiyos pero mas lamang pa rin ang pananabik.

Tuluyan akong lumapag at binuksan ang laptop ko sa study table. Umupo. Tiningnan ang draft ng Chapter IV ng story ko sa Microsoft Office. Six hundred fifty-eight words pa lamang ang natatapos ko. Goal ko every chapter is one thousand or more than that— nakadepende pa iyon sa passage ng bawat kabanata.

Nagsimula akong dugtungan ang kuwentong isinusulat. Kakapit na lang ako sa bahala na. Go with the flow na. Sabi nga nila, may sariling buhay ang bawat karakter sa istoryang isinusulat. Minsan, iyong nais mong mangyari sa isang kuwento, biglang nagbabago. Tila may isang salita na dumating upang baguhin ang plano mo sa kuwentong isinusulat.

For thirty minutes, nagsulat lang ako ng Chapter V. Hindi pa iyon tuloy-tuloy. Titigil. Mag-iisip. Nakakainis. Hanggang sa matapos ako finally at ni-publish. As usual, limang minuto pagkalipas, sa eksaktong pagkakataong matapos akong uminom ng tonic water, napansin kong may nag-vote sa bagong chapter. It’s the same old reader. Hinintay kong mag-comment siya in line or kahit outline na lang pero wala. Twenty minutes. One hour. Wala akong natanggap na notification mula sa kanya. Hindi niya ba nagustuhan ang bagong update ko? O baka may ginagawa pa siya kaya ipinagliban muna ang pagbabasa tapos babalikan din?

Pinalipas ko ulit ng limang minuto, ni-check ko ang profile niya pero pagka-click ko sa kanyang username, nag-flash sa screen— user cannot be found.

Huwag mong sabihing ni-block niya ako or something? Maybe nag-deactivate? Ewan. Teka, hindi ko trabaho ang mabalisa dahil lang sa isang reader. Pero kasi, e, sinanay ako tapos bigla siyang nawala? I’m sad now.

Nagbukas na lang ako ng Rind Daybook account. Ewan, bigla akong naging social media individual even though minsan boring mag-surf sa internet. But I got this feeling na parang gusto kong maging updated sa mga nangyayari sa aking internet friends. Comes off like I don’t want to get outdated. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero nae-excite ako sa kung ano ang ipo-post nila, sa mga status na dumadaan sa newsfeed ko.

Katulad ng dati, nangunguna naman sa feed ko ang aking mga tropa except for Catherine and Bakal. Tiningnan ko sa chat list ang pangalan nila. I only find Catherine’s. Sinearch ko na lang ang buong pangalan ni Bakal pero walang lumabas. Tiningnan ko ang conversation namin, ni-click ang profile niya but it says here that, failed to open the profile, please try again later.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon