Chapter 23

5 0 0
                                    

Chapter 23

“Si Florence . . . ”

Iyan, hindi palalampasin ng pandinig ko kung ano man ang opinyon ni Ernie Jay sa kupal na iyon.

“Magtropa kayo, ’di ba?”

“Oo.” Sana nga higit pa roon. “Why?”

“May itatanong lang sana ako tungkol sa kanya.”

Parang alam ko na kung ano iyan. “Sige lang.”

“Tomboy siya?”

“Uhm,” tugon ko sa usiserong si Ernie Jay habang naglalakad kami sa crowded ground floor ng school’s building. Katatapos lang naming kumain.

“As in a hundred percent homosexual?”

“Yup.”

“A, kaya pala.”

“Kaya pala ano?”

Umiling siya. “Wala,” pagbawi niya at umupo sa isa sa mga vacant couch na nasa tabi.

Umupo rin ako sa gilid niya katabi ang iilang girl schoolmates naming nagkukuwentuhan sa kanilang love life. Kinanlong ko ang aking backpack.

“Pero alam mo, akala ko dati lalaki siya; natawag ko pa ngang kuya.” aniya saka dumugtong, “Bagay sa kanya ’yong haircut. Ang guwapo niyang babae.”

“Haha.” Napakapeke ko at the moment. “Sa perspective view ko, hindi naman siya gano’n kaguwapong . . . babae.”

“Grabe ka naman sa tropa mo.” Sige na, mabait na siya at may malinis na dila. “Alam mo ba? Sa Forensic Science class namin, maraming girls ang nagkaka-crush sa kanya.”

Awtomatiko akong pumalsipika ng ngiti. “A, talaga?”

“Yes. Then sa LIT, ’yong kaklase naming girl, educ student, balita ko, crush daw ni Florence.”

Ni? Hindi talaga si? Oh my gosh. Feeling ko natitibag ang wall sa aking likuran. “Anong pangalan ng girl?”

“Belinda.”

“Ah.” Muntikan nang magkapareho sa pangalan ko. Nakaka-inspire magselos.

“Hayun siya, o.”

Sinundan ko ang lugar na nginunguso niya sa unahan ng couch na kinapupuwestuhan namin. Nasa bulletin board ang babaeng si Belinda, may hawak siyang gadangkal na papel habang nagkakatuwaan kasama ang ibang girls at criminology boys. It is the girl Bakal was with two days ago. Hmm, Belinda pala.

“Kita mo ’yang papel na dala niya?”

Hindi, nandidilim ang paningin ko. Napakagandang nilalang. Ipinadama talaga sa akin na mukha akong naliligaw na kamote sa school.

“Fliers ’yan.”

“For what?” Wala akong pake.

“Tatakbo kasi siya as a representative of first year college ng educ department para sa SSC Election next month. Bale by next week, after the socialization night, may debate ang president ng dalawang party-list. Ipapakilala rin ang candidates of both parties.”

“So what party-list siya?”

“Nakalimutan ko, e. Gusto mo itanong natin?”

“Ay hindi na!” Sinunggaban ko ang kamay ni Ernie Jay na katatayo lamang. Tumayo rin ako upang magpantay ang height naming dalawa. “Okay lang, malalaman ko naman next week.”

“Sure?”

Mariin akong tumango nang nakangiting magkaanib ang mga labi. “U-uhm!”

Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon