Chapter 22

4 0 0
                                    

Chapter 22

“Mahal na mahal ko si Jordan, dzai.”

Ito na naman po ang kapansanan ni Angge.

“Sobrang mahal.” Katatapos lang magdrama tungkol sa breakup nila ng kanyang syota at kasasabi lang din niya na wala siyang pakialam pero heto na siya, ulit, iniiyak ang pangalan ni Jordan. But this time, nagsusuka siya sa malinis na inidoro dito sa boarding house pagkabalik namin. Naubos niya kasi ang isang bote ng alak. May balak pa ngang dumagdag kanina.

Sabi ko, umuwi na tayo, dzai, lasing ka na.

Ang sagot ba naman, kahit hilonghilo na, “Hindi pa ’ko lasing.”

Ay, Diyos ko! Ito ata ang cycle na kailangang putulin ni Angge— kakalimutan daw iyong tao tapos mamaya maaalala ang memories nila at sasabihing mahal na mahal ko siya. Hays, baka epekto lang iyan ng alak.

“Jordan ko,” palahaw niya. Naputol nang magsuka ulit siya.

Ako naman itong si alalay na nakatayo sa likuran, kunyaring hinihimas ang likod niya pero diringdiri talaga at nais nang ibuga ang lahat ng laman ng sikmura ko. Grabe, sa lahat ng puwedeng mag-radiate tonight itong pagduduwal pa ni Angge. Naaalibadbaran na ako.

“Bumalik ka na sa ’kin, babe ko.” sigaw niya pa.

Oh gosh, nararamdaman ko na ang pagtaas ng laman ng aking tiyan hindi dahil sa sinabi ni Angge kundi dahil muli siyang dumuwal sa inidoro. Isa pa, natanto ko lang na iyan ang ginagamit sa pagdudumi. Holy crap.

“Mahal ko, babe ko, Jordan—” naputol ang sinasabi nang lumuwa ng dumi ang bibig niya.

Napatakip na ako sa bibig at iniwan siya. Mabilis akong tumakbo papunta sa room namin saka ipinaagas ang gripo sa lababo at hinayaang ibuga ng aking bunganga ang lahat ng mga hindi kaayaayang laman ng tiyan ko. Wala akong pake kung paghinalaan nila akong buntis basta si Angge, putangina. Ang lakas mandamay.

Pagkabukas, alas nuebe na ng umaga, hindi pa rin bumabangon si Angge. Nakatalikod siya sa akin habang nakatagilid sa higaan niya at inunan ang braso niyang malaki. Hindi pa rin siya nakapapagbihis, kung ano ang damit niya kagabi, iyon din ang damit niya ngayon— purple polo shirt at faded blue jeans. Medyo lumuwang naman ang tali ng kulot na buhok niya.

“Dzai,” tawag ko sa kanya habang nakatayo sa harapan ng study table ko, complete uniform at nakahawak sa strap ng backpack na aking sukbit. “Wala kang pasok sa work today?”

“Wala.”

Hindi ako sanay, ang lamig niyang magsalita ngayon. “E, sa school? Wala rin?”

Umiling lang siya.

Bumuntonghininga ako. “Okay.” Ayaw ko siyang pilitin. Halata namang wala siyang gana na makipag-usap. “Mauna na lang siguro me sa ’yo.”

“Uhm.”

“Sige.” Iniwan ko siya at lumabas. Bago tuluyang isinara ang pintuan, sinilip ko siya sa awang nito. “Bye, dzai. Take care.” nakangiti kong sabi.

Hindi siya nagsalita.

Hay naku, may pagkatotoo rin pala iyong sinasabi nila na kapag ang cheerful na tao ay biglang natahimik, mahirap siyang kausapin. And I am not used to this type of Angge. Got nothing to do but close the door and then take off to school.

Then I realized na bilang concern citizen slash rommate and a friend na rin ko kay Angge last night, hindi pa pala ako nakakapag-almusal.

Pasado alas nuebe na. Meryenda time na. Pero sige, ipagsasabay ko ang dalawang iyon and of course, pati na rin ang lunch para hindi na ako makasabay sa mga tropa ko, mamayang break time.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon