Chapter 2

88 5 0
                                    

Chapter 2

Now I believe, pandagdag charm ang haircut. Ang dating high school student na medyo dugyot lang na si Bakal, stunning na sa kanyang gupit ngayong college. Bagay na bagay. Nag-iba na ata ang pagtingin ko sa kanya.

Mas guwapo pa siya sa tunay na lalaki.

Sa sobrang guwapo, naiiyak ako minsan. Lalo na kapag naiisip kong wala kaming pag-asa.

Wait . . .

What the fuck!

Pag-asa?

Did I worry about it for real?

Ugh!

I don't like it!

Or probably, epekto lang ito ng istoryang isinusulat ko. Ang kuwentong pinamagatang My Love For You Will Never Die. Dalawang chapters pa lamang ang natatapos. Kapa-publish ko lang din sa isang ito a couple of weeks back dahil ngayon ko lang na-discover ang online reading and writing platform na matagal na palang nag-e-exist.

Chineck ko ang blurb to edit it tonight. Nahagilap ng aking mata, nag-increase kaunti ang bilang ng browses. Out of the blue, nakatanggap ako ng notification. Someone voted for the first two parts of the story and left a comment on the last chapter, five minutes around.

The reader said: "I like the story, Ms. Author. LGBT-themed. Pero sana maikli lang ang update sa next chapter. Pakihimay lang, Ms. A. Sana rin sila ang end game."

I'm sitting overwhelmed but grateful at the moment. I want to scream this one. Ever felt this feeling? Nakakagana magsulat kahit isa lang ang reader.

Gayon pa man, medyo na-pressure ako sa ni-comment niya. Gusto niyang maging end game ang dalawang bida sa kuwento ko. Nakahuhumpay. Tumulala lang ako. Hindi alam kung paano sumulat ng happy ending though I love the story in which the two lovers ended up together.

But, bro, wala akong experience sa love life na iyan. Nasty ang aking buhay. So how will I write a happily-ever-after story? Baka ang romance, maging mystery-thriller. Puwede ring horror. O hindi kaya, biglang magta-travel into another world ang bida para iligtas ang isang prinsesa.

Nays ka, Juliet. Nays, nays, nays!

Dapat thickened and focused lang ako sa romance.

Pero paano nga?

Magbabasa na naman ba ako ng romance novels? Diyos ko, dai! Dami ko nang natapos na romantic comedy series pero wala ni isa sa mga iyon ang pumukaw sa aking damdamin.

E, kasi naman, napakabobo ko. Sa dinami-rami ng genre, romance pa talaga ang napili ng aking pakening utak. Nakakalutang. I feel so mangmang tuloy.

Think of this: para akong nasa kadiliman at nangangapa ng mga salita sa aking paghinga, sa bawat hakbang ng mga paa o sa paghinto. Pero walang salitang nakikita, natatapakan, nararamdaman o kahit pabulong man lang.

I ain't sure about this one but perhaps I'm experiencing a what-so-called writer's block.

Pumunta ako sa Microsoft Office. Create a new document sa blank page. Ni-type ang pangalan ng lesbian protagonist ng istorya ko at tinitigan ng ilang minuto: Ericka Maureen Buendia.

Nakakasama lang ng sikmurang isipin na hindi nabubuhay sa real life ang fictional character na katulad niya, karakter na binuo ko. Pero mas nakakasama sa pakiramdam nang maalala ko ang assignment namin.

Kainis!

Sa Mathematics pa talaga. Nakakalagnat. Naninipa ang Characteristics of Mathematical Language. Sakit naman sa ulo ang Truth Table.

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon