Chapter 20
Ibinagsak ni Bakal ang pintuan ng dyip na nagpagulat sa matandang drayber pati nagpahinto sa akin.
“U-turn ka na, tanda, baka sakaling makasalubong mo ang tatay kong pulis. Good luck!”
Kumunot ang noo ko dahil sa hindi niya pagsasabi ng totoo. Come on, wala siyang tatay na pulis. In fact, wala talaga siyang tatay. Patay na, ten years ago— ayon sa ikinuwento niya sa amin dati. At noong pumunta kami sa bahay nila, noong high school pa kami, napatunayan kong wala nga siyang ama nang isingit iyon ng mama niya sa gitna ng nakakatawa naming kuwentuhan— ikinuwento lang naman niya kung gaano kapalabiro ang papa ni Bakal noong nabubuhay pa siya.
“Ingat!” paalam ni Bakal nang tuluyang kumurba ang dyip na minamaneho ng drayber, natanglawan ng headlights nito ang karimlan.
Napansin ko sa sulok ng mata ko na kumakaway siya sa jeepney. Ilang sandali ay ibinaba ang kamay at tumingin sa direksiyon ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Pits.”
Bilisan mo pa, Juliet.
“Sandali lang, pits.” Tumakbo na siya this time para pumantay sa akin.
Umusog ako nang kaunti upang hindi kami magkola.
“Ayos ka lang?”
I didn’t reply. Silence is already a response though.
“Sa susunod huwag ka nang umupo sa front seat, a.”
Napansin nga niya iyong pansatsansing ng drayber sa akin kanina kaya niya marahil ako inakbayan at hinawakan ang hita ko para magmukha kaming lovers. Got what I’m saying? Nang sa gayon ay masabi ng tsuper sa sarili niya na boyfriend ko si Bakal kasi she got that boy features naman. Effective iton, a, hindi nga lang ako sigurado kung tama ba itong iniisip ko. O to the highest level na ang aking pagiging delusional. Oh gosh. Still, keep it cool, Belya Juliet.
“Alam mo naman ang ibang tao, bait-baitan. Pero madahas pa kay Satanas.”
Tahimik lang ako.
“Pits, magsalita ka naman.”
Ano bang dapat na sasabihin? Magpapasalamat ako dahil sa ginawa niya? Oo, nagpapasalamat ako sa kanyang act of service pero hindi ko sasabihin iton. I will not tell her that I like what she did there. Because, okay, fine, I am still annoyed by the girl she was with.
“Nagmumukha na ’kong hangin dito, pits.”
If this is a book, I will edit and rephrase what she just said into nagmumukha na ’kong tanga rito. Dahil totoo naman, e. Tanga talaga siya. Sobrang tanga.
“Naiinis na ’ko, Belya, a. Kanina na ’kong nakasunod, hindi ka pa rin kumikibo.”
Huminto ako sabay harap sa kanya nang diretso sa mata. Ito na, matatag na ako. Salamat sa annoyance na iyon dahil mukha akong brave ngayon. “Sino ba kasing nagsabing kausapin at sundan mo ’ko?” Napagtaasan ko siya ng boses.
Nabigla siya. May habag sa kanyang mga mata.
I don’t care. Nailabas ko na. Naisagawa na. Paninindigan ko na lang. “At sino rin ang nagsabing obligado akong magsalita habang magkasama tayo? Sino?”
“Hindi ko naman sinabing obligasyon mo—”
“Hindi?” Nakakagulat na nakakairita iyong sinabi niya kaya pinutol ko na lang bago ko pa maisumpa ang kumpleto niyang pangungusap. “Oo, hindi. Dahil indirect ’yong sentence mo na hindi ka pa rin kumikibo. See what you said there?”
Napalunok siya habang nakapako ang titig sa walang tiklop kong bibig.
“Now, if you think I can’t read between the lines, well, I guess you got the wrong idea, Ma’am-Sir.” Sarkastiko akong ngumiti at umalis.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...