Chapter 24
Dating gawi after classes. Hindi na nila ako hinintay dahil nakihintay na rin ako sa kanila. Si Bakal lang ang hinihintay namin dito sa harapan ng canteen, habang nag-uusap tapos nagtatawanan pero hindi ako masaya.
“Guys.”
Lahat kami ay napatingin kay Ate Jennifer na tanging tahimik sa aming lima.
“Nag-text si Rence, mauna na raw tayo. Susunod na lang daw siya.”
Medyo nalungkot ako sa ibinalita ni Ate Jennifer. Tiningnan ko lang ang Blackberry cellphone na kanyang hawak.
“Bakit daw?” Thanks for the question Kendra.
“May tactical daw sila ngayon.”
“Lunch na lunch. Can that tactical be bukas na lang?” pag-iinarte ni Pauleen.
Kinutusan tuloy ni Kendra. “Tanga!”
Si Pauleen ay napa-ouch nang kaunti, hinihimas ang dulo ng ulo.
“Socialization night na bukas.” Buti na lang at ipinaalala ni Kendra.
“Then mag-tactical sila in the morning. Problema ba is that?”
“Napakabugok mo, Pauleen, ’no?” sarkastiko at naniningkit ang mga mata ni Kendra na sambit niya.
“Matalino you?” Napakrus ng kamay si Pauleen. “Hindi ’di ba? So we are same bugok.”
Nangasim at mas lalong pumait ang mga tingin ni Kendra kay Pauleen. Parang sinasabi niyang saan ipinaglihi itong kaibigan naming ewan. Napailing na lang si Kendra at nilagpasan si Pauleen. “Tara na nga!”
Sumunod kaming apat sa kanya— una, gutom na; ikalawa, no choice; ikatlo, wala na kaming hihintayin pa.
Pero sabi ng puso ko meron. Ayaw kong umalis sa puwesto ko kanina. Nag-aalala ako. Napawi naman kaagad nang magsabi si Ate Jennifer, “Nandiyan na si Rence.”
Kung dati ay wala akong pake, hindi ko siya kayang angatan ng tingin dahil sa takot, ngayon ay mayroon na at kaya ko na but it doesn’t mean na matapang na ako. Dahil nang tuluyang siyang umupo sa tapat ko, rumupok ang aking puso. Sad lang, hindi niya ako sinulyapan.
“Tapos na tactical niyo?” usisa ni Ate Jennifer kay Bakal na nasa kanyang tabi.
Umangat lang ang mga kilay ni Bakal at magkaanib ang mga labing nakangiti, nakatitig sa isang dahon ng pastil na binubukadkad niya. Medyo down ang balikat. Messy ang manipis na fringe ng hair. Halatang pagod.
“Bilis naman, Rence.” Hindi makapaniwala si Catherine na nasa kanan ko, hinipan ang isang kutsara ng mainit na kanin at isinubo ito.
“Twenty-five-minute training lang ’yon, gahol sa oras.” banayad na linaw ni Bakal. “Paabot nga ng toyo, tol.” malumanay niyang sabi kay Kendra na kasunod ni Catherine.
Iniabot naman ni Kendra ang bote ng toyo sa kanya at dinutsahan ang pastil.
Ang ouchy lang. Kasi bakit si Kendra pa iyong tinawag? May toyo naman dito sa harapan ko. Mas malapit pa sa kanya. Sobra.
Nag-pause saglit ang pagiging drama queen ko nang mapansing walang laman ang toyo. Tsk. Kaya naman pala.
“Oh.” Ibinigay niya pabalik ang toyo sa ibang direksiyon. Ilang saglit na stranded ang kamay niya sa gitna nang walang nag-aabot sa plastik na bote.
Nagbabadya na akong abutin pero inilipat niya ang turo ng kamay sa dulo ng mesa, kay Pauleen.
“Oh, pits.”
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
أدب المراهقينAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...