Chapter 11
Taliwas pa rin sa aking iniisip ang isinagot ko sa tanong ng aming professor. Ang sabi ko, “I’m the cool student in this class.” Hindi nila alam, madalas akong ma-hot seat.
However, in the end, they clapped and praised me for being confident and optimistic. Though it was a bit overwhelming dahil sa kanilang mga papuri. Naging advantage rin ang pagsisinungaling ko na iyon na tunog-arogante sapagkat may kumakausap na sa akin sa Art App subject. Nakikisalamuha na rin ako sa kanilang usapan but and but, I don’t stay in the circle. Let’s just say na habang nasa loob pa ako ng klase, sila ang kaibigan ko.
No, it’s not gold-digging, because almost all of us in that circle has their own friends out of the room. Pagkatapos ng klase, back to normal na ang lahat pero nagngingitian pa rin kapag nakakasalubong sa daan.
Pagkatapos ng tatlong magkakasunod na klase ko, lumabas ako sa classroom nang tila nasa cloud nine ang feeling. Pagbaba ko naman sa mataong ground floor, parang abot na hanggang underworld ang emotion ko nang matanaw kong may kasamang iba si Bakal doon sa study area. Nagtatawanan silang dalawa sa gitna ng mga estudyanteng nasa harapan ng mahabang puting mesa, abala sa kani-kanilang school projects.
Masaya rin naman ako dahil sa wakas ay marunong na ring makihalubilo ang dating loner. Medyo malungkot nga lang dahil magandang babae ang kasama niya. Tapos ako, ito, kung hindi magpapaganda, never naging maganda.
But it’s not the concern here kundi ang aking puso. Ang naiinis kong cool heart.
Naku, naku, Juliet! Tama na ’yan! Niloloko lang ako ng hormones ko. Pinaglalaruan ng sarili kong emosyon. Baka dala lang ng pagod dahil sa pakikipagtawanan at tsismisan sa mga kaklase ko na ngayon ay nakikipag-usap na sa akin.
“Juliet!”
Hnggg, universe, naman! I know it’s Catherine’s voice. Of course, kasama niya ang tatlo. Tapos na rin ang klase nila marahil. Nakatayo sila sa harapan ng couches. And, maybe, just maybe, hinihintay nila ako.
“Hoy, Juliet!”
No. Act bungol. Wala akong narinig, wala akong naririnig. Diretso lang.
“Belya!”
Nah. Walang tumawag sa akin sa pangalang ganoon. Nakipagsiksikan na ako sa exit. Woah, malapit na, Juliet! Konting tiis na lang!
“Belya Juliet Batum!” Nag-chorus pa talaga silang lima.
Putangina. Bahala sila riyan. Mas lalo akong hindi titingin. Akala ko worst na ang aking first name, mas masama pa pala sa pandinig na matawag sa full name ko.
“Belya bingi!” There is it. They changed my surname in the end. Uh, not they, isa lang pala. Kilala ko ang boses— kay Kendra.
At dahil sinabi niyang bingi ako, paninindigan ko talaga iyan. Kumapit ako nang mahigpit sa strap ng backpack ko hanggang tuluyan akong makalabas sa building. Tumawid ako sa pedestrian lane. Kaagad na pumara ng jeep at sumakay.
Dati ay ayaw ko sa mataong jeepney pero ngayon, dahil sa inis, nawala ang pake ko sa bagay na iyon at pumagitna sa dalawang matatabang ale. Heto, mukha akong bad trip na fluffy kamatis na naiipit sa pagitan ng dalawang naglalakihang peach.
Child of tofu! Ito pala ang napapala kapag nagpadala ka sa inis, self-pride at kapag hindi ka nag-iisip. Sa huli, ikaw pa rin ang magsisisi.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Novela JuvenilAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...