Chapter 15
Walang paalam o kahit message o tawag sa mga kaibigan ko na bumalik ako sa boarding house para lang tanungin ang aking sarili regarding sa pagiging stupida ko.
For the first time this month, binuksan ko ang Rind Daybook account ko using my laptop kaya naka-desktop view ito. Nakita kong may nag-message sa akin— from Florence Romina Bakal. Binuksan ko at binasa ang sinabi niya:
Pits, ayos ka lang?
Hindi ako okay but I won’t tell her that. Nor I will tell the other from my friendship about what I feel. Hindi ko gustong mabahala at magmalasakit sila sa akin. Higit sa lahat, ayaw kong malaman nila ang tunay na dahilan sa likod ng aking mga kakaibang kilos.
Hinayaan ko ang message ni Bakal. Online siya. Pumunta na lang ako sa newsfeed at nag-scroll doon. After some minutes, ni-refresh ko ang buong feed at ang unang post na bumungad ay post ni Bakal na ang lahat ng letters ay maliliit— seenzoned — tapos isang space for the colon punctuation mark along the five continuous close parenthesis.
She posted it just a minute ago. A person liked it. I didn’t bother to check who was it. I hardly continue scrolling all through the newsfeed. Nang maramdaman kong inatake naman ako ng boredom, kaagad akong nag-log out at natulog.
Asar. Hindi ako makatulog.
Napabangon kaagad ako sa kama. Sinilip si Angge sa ilalim ng double deck bed. Nakikipagtawagan naman sa syota niya. Isa pa iyan, nakaririndi ang kanyang boses. Tawa nang tawa dahil sa kilig, e. Sabagay tinatrato nang tama.
Patalikod akong bumaba sa hadganan ng double deck bed saka paglapag ay isinuot ang dalawang paris na asul na flip flop. Kinuha ang bomber jacket sa likuran ng pintuan at lumabas.
“Saan ka, dzai?”
“Pahangin lang.” Bago ko pa maibagsak pasarado ang pinto, narinig kong magsabi si Angge:
“Ingat!”
Akala ko sasama. Gabing-gabi akong naglalakad mag-isa sa lansangan. Dumiretso sa convenience store na wala masyadong tao at idinirekta ang sarili sa asul na freezer ng various ice cream. Idinausdos ko ang makapal na salaming medyo frosted pero napahinto ako nang makitang halos wala nang laman ang loob nito. Dalawang gallon na magkapatong lamang ng chocolate ice cream.
“A, Miss.”
Napalingon ako sa first counter at nakita ang lalaking cashier, nakapulang apron na nakapatong sa black-and-white stripes na damit. Kapansinpansin ang ibabaw ng pixie haircut niya sa gitna ng topless red cap niyang bahagyang nagkukubli sa fringe nito. Mapungay ang mga mata. Matangos ang ilong saka may nunal sa gilid ng itaas ng kulay-rosas niyang labi. Makinis ang kutis at maputi na medyo dry dahil na rin siguro sa air conditioner sa loob. Balingkinitan at hindi nalalayo ang tangkad kay Bakal. At least, ang isang ito, lalaki.
“Naubusan kami ng popsicle stock.” patuloy niya.
“Pati Flatty Cream Cup?”
“Oo, next week pa ata darating.”
“A, sige.” Ibinalik ko kaagad ang tingin sa harapan at isinara ang freezer. Dismayadong lumabas sa store dahil hindi naman nakakain ng paborito kong ice cream. Hindi ko naman afford ang isang gallon ng ice cream doon, kulang ang pera ko. Saka, mas hinahanap pa rin ng aking panlasa ang beloved kong brand ng ice cream. Iyong inilibre ni Angge sa akin noong mga nakarang araw— Flatty Cream Cup.
For your information, ice cream is one of my remedies when things get choppy and unruly. Ngayong wala akong ice cream, kailangan kong magpatuloy at mag-stroll sa labas para marelaks ang isipan. Makalanghap ng cold breeze.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...