Chapter 19
Ilang segundo na rin akong nakatitig sa rainbow ring na ibinigay sa akin ni Rick kanina. Ang sabi niya, ibinigay niya ito sa akin as a start of our friendship hindi lang basta miyembro ng LGBT community kundi bilang tao. Considering the fact that the rainbow symbolizes pride.
Pero sabi ko, hindi ko kayang magsuot ng ganitong klaseng singsing.
Sinagot naman niya ng, “’Di ba bi ka?”
Tinanguan ko iyon. Pinakinggan lamang siya kanina.
“Then maging proud ka. Ipakita mo sa society kung sino ka ba talaga. Ipabatid mo sa kanila na ang puso mo, kakulay ng bahaghari. At walang makakapigil sa ’yo kung sino man ang itinitibok niyan— kung babae ba o lalaki; tomboy o bakla. Dahil una sa lahat, ikaw ang nagmamay-ari ng sarili mo at ng ’yong puso. Hayaan mo silang magsalita; kasi kung papansinin mo, mas lalo silang manggugulo. At saka, hindi naman natin nakokontrol kung ano ang iniisip sa atin ng ibang tao. Kaya i-deadma na lang ang mga sinabi, sinasabi at masasabi pa nila. Huwag mapipikon dahil sa buhay na ’to, ang pikon . . . talo.”
Hindi naman ako pikon. Hindi rin naman panalo. Sadyang hindi ko pa yata kaya pang ipakilala sa buong mundo kung sino ba talaga ako, kung ano ba talaga ako, at kung ano at sino ba ang gusto ko. Sa tingin ko, it’s better to keep this singsing muna sa aking bulsa, at kapag ready na ako, kapag handa na akong ihayag sa society ang tunay kong kulay, I will wear it and be proud sa totoo kong pagkatao.
Medyo nakakainggit lang lalo na kay Rick. Loud and proud na part siya ng LGBT community. Loud and proud ding Pinoy na mahilig sa balut.
Right after she gave the ring to me, dinala niya ako sa balutan area. Sabi ko, hindi ako kumakain ng balut. That hairy and looks like an alive embryo? Oh my gosh, I will go grab a basang mani na lang kasi pampatalas daw ng isip iyon— nakakatalino.
Pero, ala, humalakhak! Ang laki-laki ko na raw ngunit ang dami ko pa ring arte sa buhay.
Kako, aba, natural! I need to maintain my beauty ’no! Duh? May pakrus-krus pa ako ng brasong nakukuha at pag-irap sa kanya tapos siya? Hayun, pinagtatawanan ang pagmamaldita ko.
“Tingnan natin kung mame-maintain mo ’yan kapag nakapag-asawa ka na.”
I didn’t talk back baka ikagulat niya ang sasabihin ko katulad ng— sino ba kasi ang nagsabing mag-aasawa ako?
Apart from that, I wanted to ask her lately kung na-engage na ba siya before in some LGBT movements? But I just watched her savoring the juicy balut across me. Sa gitna namin ay iba’t ibang laki ng bote ng masisiling suka, toyo saka asin at chili powder.
Gusto mo? Iyon ang huling tanong ni Rick sa akin bago siya magpaalam. Ang tanong na hindi ko nasagot dahil biglang nag-ring ang kanyang selpon hindi dahil may tumawag kundi dahil sa alarm na ni-set niya for her job.
Doon niya rin ipinaliwanag na tuwing alas singco y medya ng hapon ang kanyang shift kaya ang sabi niya, hindi na siya magtatagal sa plaza, kailangan na niyang pumunta sa convenience store. Ilang beses siyang humingi ng dispensa sa akin.
Naiintindihan ko naman. I let her go. Baka masisante tapos sa akin pa isisisi. Please, huwag. Kaya ko namang mag-isa. Gosh. Don’t you remember? Strong, independent woman ito na madaling magselos.
Iyon lang talaga. Huh! Nasa dugo ko na talaga ang pagiging selosa. Anak ng pucha.
“Juliet girl?”
Napalingon ako sa kanan at ibinulsa ang singsing nang walang kamalaymalay. Natanaw sa unahan ng hintayan ng jeep ang natutuwang si Pauleen, sa likuran niya sina Ate Jennifer, Catherine at Kendra. Natatakpan naman nilang tatlo ang isang tao sa kanilang hulihan. Tuktok ng buhok niya lamang ang nakikita ko tapos ang itim na blouse na nakasampay sa balikat niya sa ilalim ng puting damit na nakaipit sa itim na criminology pants, nakabulsa ang balingkinitang morenang mga kamay sa pantalon na iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...