Chapter 7
Roller coaster ride of emotion ang nangyari kanina. Biglang kakabahan ako, mapapangiti, magtatampo, maiinis pero ang pinakatumimbang ay ang lakas ng kabog ng aking dibdib. I’ve never felt it before. Puwede na ata akong dalhin sa hospital saykayatriko. Buti na lang, nag-ring ang bell kaya nagpaalam siya sa akin papunta sa klase niya.
Dumiretso kaagad ako rito sa library kahit hindi ko naman nais na pumunta. Kaharap ko lang ang aklat, kunyari ay nagbabasa pero wala talagang pumapasok sa aking kokote. Nami-miss ng cool heart ko ang naramdaman ko kanina. But it seems like, may isang bagay pa itong nais na maramdaman sa susunod at hanggang sa dulo ng universe.
Wala sa sarili kong itiniklop ang aklat at bumuntonghininga. Hindi mawaglit sa mind ko ang eye contact namin ni Bakal. Iniisip ko pa nga lang, nao-awkard-an na akong tingnan siya nang mata sa mata. Nakaka-thrill. Hindi ko na iyon gagawin ulit.
Narinig kong lumangitngit ang brown na pintuan ng light green painted library. Pag-angat ko ng tingin sa kanan, isinasara na ng pamilyar na katauhan ang daanan. Tuluyang nag-latch ang pinto at humarap siya, dumako ang tingin sa tatlong magkakasunod na walang tao na maroon long table, may monoblocs na nakasilid sa four straight sides: two short sides and two long sides; hanggang matagpuan niya ako rito sa huli at ikaapat na mesa, mag-isang nakaupo sa second to the last na upuan mula sa kaliwa, isang metro ang layo sa frosted glass window sa kaliwa. Nakatalikod sa isang shelf ng books of fiction.
“Huy, girl!” It’s Pauleen. The nakangiting-tagumpay na si Pauleen. Tumakbo papunta sa gawi ko saka hinila ang monobloc na nasa aking tabi at umupo. “Kanina na kitang hinahanap, Juliet girl.” Pasalamat siya, wala pa rito ang masungit na librarian kundi kanina na siyang malamig na sinabihan ng observe silence.
“Bakit naman?” nakatulala sa kawalang tanong ko.
“Hello? Hindi mo ba kukunin ’tong yellow pad mo?”
Sinulyapan ko ang aking yellow pad na inilapag niya sa mesa. Sa dami ng iniisip ko, muntikan ko nang makalimutan na may papel pa pala ako, kay crush lang wala.
“Good thing, nakita ko si Rence sa ground floor.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, ayaw kong marinig ang pangalan ng Bakal na iyon. “’Yong assignment ko, na-pass na ba?” Isa pa iyon, dalawang numbers na nga lang ang may sagot, hindi pa sure kung tama.
“Yes, my Juliet girl, kaya worry less ka muna here.”
Magpapasalamat na ba ako sa isang ito? Makabasa na nga ulit habang dumadaldal na naman ang Pauleen.
“Wait, girl, wala ka na bang klase?” tanong niya sabay bunot ng hibla sa tuktok ng kanyang buhok.
“After nine this morning pa.”
“What if mag-street foods muna tayo, beh?”
“Tara.” I bang the book closed at ibinalik sa shelf. Ang hirap humindi kapag si Pauleen ang nangyaya o kahit na sino man sa mga tropa ko except for Bakal na palagi nilang tinatawag na Rence.
Iniwan naming walang tao ang library, may CCTV naman, e. Pagdating namin sa labas ng school, direkta kaming pumunta sa isa sa mga food cart ng street foods na nakahilera sa tabi. Kaagad kumuha ng panusok, nakisabay sa ibang mga estudyante from different schools in the city sa pagtusok ng fishball na bumubula pa sa init. Kalilimas lamang ng tindero mula sa kalderong binaha ng mantika, nasa kalan.
“Uhm, nagtuturo ba sa inyo si Ma’am Osmeña?” tanong niya at isinubo ang isang fishball.
“Sino ’yon?”
“My gosh!” expression niya, may laman ang bibig. “You don’t know Ma’am Osmeña?”
Umiling ako. “Nope.” Kumagat ako sa kwek-kwek bago pa matuluan ng sauce ang bitbit kong yellow pad.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...