Chapter 10
Sinabi ko na ito noong una pa lang- gusto kong malaman niya pero ayaw ko namang ipaalam sa kanya.
Nakakasabik na nakakatakot.
Sabik akong ipaalam sa kanya na gusto ko siya pero natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.
Kaya sabi ko, huwag na muna, saka na lang.
Ewan ko ba. Ang gulo ko minsan. Madalas din kasing magulo ang nararamdaman ko para kay Bakal. Kasinggulo ng kuwarto namin ni Angge, kahapon.
Paano, e, ang daming kalat pagkatapos bumisita ng mga tropa ko. Ubos ang isang pitsel na iced tea. May naiwan pang isang crinkles sa plato. Isa sa mga aluminum glasses ang natumba, ligwak sa maroon na sahig ang natitirang laman. Kumalat din sa sahig ang simut ng dalawang malalaking supot ng tsitsirya. Kinuba ko lahat ng responsibilidad. Napasobra pa nga ata ang aking kasipagam dahil kahit hindi nagamit na baso, hinugasan ko. Napasapo na lang ako sa noo dahil sa katangahan.
But after all, luminis at kumintab ang silid. In-spray-an ko pa ng mosquito killer for protection na rin. Eksakto, nang matapos ako sa lahat ng gawain, alas singco ng hapon, dumating si Angge mula sa kanyang trabaho.
Pagkatapos niyang isara ang daanan, pinalakpakan niya ako hanggang dumating siya sa aking tabi. I didn't acknowledge it. Mukha kasing insulto kaysa compliment. Pasalamat talaga si Angge, pinanatili ko ang spray sa gilid ng aking katawan kahit na ibig ko nang iwilig sa mata niyang hindi makapaniwala sa nakita.
Miski ako, I couldn't believe na nagawa ko iyon. Mantakin mo, I was so perky sa boarding house. Tapos ngayon, hindi pa ako dumarating sa school, pakiramdam ko buog ako na medyo nayayamot.
Ito kasing mga kasabayan ko sa jeep, mga high school na estudyante, babae lahat. Nasa tapat ko silang apat. Dalawa sa kanila ang titibo-tibo. Isa naman ay pure girl. Iyong pinakahuli, feeling ko confused sa kanyang gender- at siya lang din ang tahimik sa kanilang apat. Samantala ang mga kasama niya, mukhang ang liligalig.
"'Pag ako natutong mag-motor, babanggain ko siya para malaman niyang malakas tama ko sa kanya."
Aba, ang lakas nga ng tama. Kanino kayang anak 'to? Feeling ko mahilig din sa mais sa sobrang corny.
"Kung hindi pa gagana ang pagbangga, ire-ready ko na ang manika."
Kaumay kayo, mga bata. Sana alam nila iyang pinagsasabi nila riyan at hindi magsisi sa huli kahit joke pa iyan. Isang araw, mabibigla at magugulat ka na lang, iyong biro, nagkatotoo na pala. "Lugar lang po."
Natahimik ang high school girls dahil sa lakas ng aking boses. As usual, itinabi ng drayber ang jeep. Ipinasuyo ko sa isang estudyante ang pamasahe ko. Nasa gilid lang ako ng daanan kaya mabilis ang pagbaba at paglabas ko sa dyip.
Sinamantala ko ang pagkakataon habang kakaunti pa lamang ang umaarangkadang jeepney ngayong alas siete ng umaga, walang tigil akong tumawid sa pedestrian lane.
Lumarga ang jeepney at muling nagtawanan ang mga senior high school student pagkabalik ng kasama nila sa puwesto. Sila lamang ang natitirang pasahero ng dyip.
Dumirekta ako sa bulletin board dahil sa kuryosidad. Ang daming nakatingin sa bagong announcement. Pinag-uusapan nila ang tungkol doon. Dumatal ako sa likuran ng ilang schoolmates ko. Sa sobrang tangkad at likot ng iba, kung saan-saan na dumadako ang aking ulo makita at mabasa lamang ang nakapaskil sa ilalim ng malinaw na salamin ng light green board.
"All first-year students are required to attend after the prelim examination."
Dinig kong basa ng babaeng nakasalamin sa mata, nasa kanang bahagi ko, yakap ang sariling aklat.
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...