Chapter 30
Siya iyong tao sa loob kanina? Iiwanan pa talaga kami ng apat. Ganoon pa rin naman ang katayuan ko— nakatalikod kay Bakal na walang kibo sa daanan at nakasandal ang balikat sa hamba ng pintuan, nakakrus ang mga braso at paa. Sana hindi siya magka-stiff neck dahil diretso ang tingin niya sa kanang banda ng empty hallway. Katahimikan. Nakakabingi at nakakailang na katahimikan. Paano at saan ba ako magsisimula? O puwedeng siya na lang ang mag-umpisa ng kahit anong topic? Please, pakibasag naman itong awkward background.
Pagbilang ko ng sampu, kung hindi pa siya gagalaw at magsasalita, tatayo na ako sa tabi niya. Ugh! Nakakainis.
Tapos na ang sampung segundo. Sapilitan akong umalis sa puwesto at pinunan ang espasyo sa bukanang kinatatayuan niya. Hindi lang pride ang mababa sa akin, pati height ko rin. Hanggang balikat niya lang ako. Kita mo, kita mo, nakatitig lang siya sa gawi ko. Pucha! Ako na nga ang nag-first move, ako pa ang magfi-first talk? Tanginang tomboy ito. Talagang pinapahirapan at hinahayaang mag-poker face lang isang Belya Juliet. Anak ng tokwa. Ako na ito, o. Please, magsalita ka namang bading ka.
“Ba’t nandiyan ka?” Iyon pala, ayaw niya akong makatabi.
Makaalis na nga.
“Huwag.”
Nanatili ako alinsunod sa kanyang sinabi.
“Hindi ko sinabing umalis ka.”
Marahas kong iniangat ang strap ng backpack ko sa balikat. “Parang gano’n kasi ’yong tono mo! Pagalit!”
“Ikaw ata ang may tonong pagalit, e, haha.” Aba, tumawa pa.
Mas lalo akong nag-poker face. “Tigil-tigilan mo nga ’yang katatawa mo, nakakaasar.”
Ngumiti na lang ang child of tofu. “Sorry, Ma’am . . . Belya?” Talagang may question mark ka pa sa huli. Ano? Hindi sure?
Umikot ang mata ko sabay iwas-tingin. “Sorry, too, Florence.” Medyo labag sa kalooban pero at least, nakapag-sorry. It is not my fault anymore if she won’t accept my apology. Gaga siya, hindi ko nauuliting sabihin iyon.
“Sorry saan?” Akala ko hindi siya marunong ma-curious. Tao rin. Tao lang.
“Sa mga nagawa kong pagmamataas.” I feel down to earth as of the moment.
“Pagmamataas?”
“Pag-iwas sa ’yo. Sa mga request and favor mo na natanggihan ko. Sa mga tanong mong hindi ko nasagot nang maayos. Sa lahat ng bagay na hindi mo nagustuhan kaya ganito na ang pakikitungo mo sa ’kin. I know it, nagkakaganiyan ka dahil din naman sa ’kin. Ni-take advantage ko ’yong kindness mo. Palagi kitang iniiwan kasi alam kong babalikan mo rin ako. Parati akong tumatakbo kasi alam kong hahabulin mo rin ako. Natanto ko lang, napapagod din pala ang kagaya mong tao lang. Sorry, Romina. Sorry kasi nauuna ang emosyon ko. Nauuna ang galit ko.”
Tumungo siya. Kinagat ang labi. Huminga. “Bakit ka nagagalit sa akin, Juliet?”
“Hindi sa ’yo kundi sa ginagawa mo.”
“Ano bang ginawa ko na ikinagalit mo?” seryoso niyang tanong.
“Hindi ko alam pero naiinis ako. Naiinis ako kapag hindi ako ang kasama mo, kapag may iba kang katawanan. Nagseselos ako, nasasaktan.”
“Iyong kasama ko bang si Belinda ang reason?”
Tumango ako.
“I see.” Tumama ang kanyang hinala. “Nagsimula kang iwasan ako, noong nakita mo kaming nagkukuwentuhan sa may study area.”
Bumalik sa aking alaala ang mga nangyari noon. Sobrang sariwa.
“Bago mo pa ko nakita, nakita na kita. Tapos no’ng time na ’yon, tinatawag ka ng mga tropa pero dumiretso ka lang. I secretly followed you nang hindi nila nakikita. Nakasunod lang ako sa ’yo hanggang sa plaza. Iyong lalaking nagbigay sa ’yo ng kendi? Galing sa ’kin ’yon.”
BINABASA MO ANG
Ang Tropa Kong Astig
Teen FictionAs Belya Juliet Batum, palagi kong pinapaalalahanan ang aking sarili na umayos pero bigla-bigla na lang gumugulo ang peaceful world ko at ang mas malala, pati ang aking cool heart na zero record of scars; tila naman abot ko na ang stars sa tuwing na...