Chapter 28

4 0 0
                                    

Chapter 28

Sikreto akong umalis sa table namin upang tingnan ang hitsura ko sa salaming nasa restroom. Lumabas kaagad ako, as in, palabas sa venue para bisitahin na rin ang isinusulat kong kuwento. Turtle net kasi kapag nasa loob. Mainit pa. Noisy. Umupo ako sa isa sa mga couch na nasa labas ng convention hall.

A camera clicks with a flash to my face.

I lift my head up to the left side. Catch a glimpse of Rick with a DSLR camera across her heart, she’s holding it up. She got her hair dyed silver-white. A silver necklace across her plain white shirt. A series of chain is hanging out of her regular black jeans’ pocket. Medyo nakangiti siya sa akin. Isa pa pala ito. Hindi ko alam na nandito siya.

Lumapit siya sa dako ko kasama ang luma niyang sapatos at nakiupo sa aking tabi.

Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone. “Nandito ka, a.”

“Obvious ba?” Ipinagmukha niya akong tanga.

“’Yong totoo? Bakit?”

“Isa ako sa mga organizer ng event, you know, SSC officer.” sagot niya. “Tingnan mo, o.”

Nilingon ko ang Press ID niya from SSC. Representative of third-year college, crim department. “You didn’t bother to tell me about this one before.”

“Gusto kitang sorpresahin, e.”

“You did.” Nagpatuloy ako sa ginagawa. “Ang hilig mong manggulat ’no?”

“Ay, hindi naman. Gusto ko lang mapa-guess-what ang mga tao sa ’kin.”

I chuckle. “As a person, hindi ako napa-guess.”

“At least na-shock kita.”

“Medyo.”

“Teka, ano ba ’yan?” Sinilip niya ang istoryang itina-type ko sa screen ng aking cellphone. Habang magkatabi at magkausap kami, ang daming senaryong nabubuo sa utak kong makulit. “Nagsusulat ka ng story?”

I just display a compuslive smile, brows arching, as a reply.

“So, gusto mong maging writer?”

I do what I did just a few seconds ago. “Uhm, uhm. And if you want naman you can read any of my story. Just check my username @kenedykendi sa Write Right website.” Shameless promoting ang peg. Keribels ko ito. Para naman madagdagan ng isa ang reader ko. Reader ko na nag-deact pa.

“Hindi ako mahilig magbasa, e.”

“Ngi.” Tiningnan ko agad siya. “Seryoso ka?”

“Oo naman.”

“Photography lang?”

“A, hindi rin.” Mabilis siyang umiling na tila sinasabing maling akala na naman ako.

“E, ba’t may camera ka?”

“Ipinahawak lang sa ’kin.”

I see. If ever na hindi ako mali, baka iyong spoken word poetry performer ang may ari dahil, naalala ko lang, binanggit ng MC kanina na isa siyang photojournalist. Who knows.

“Saka, sa’n naman ako kukuha ng pera para mabili ang gento ka-orig na camera? Pang-whole tuition ko na ata ang price, e. Ni wala pa nga akong pambayad para sa midterm next month. Baka rin hindi ako maka-exam. At worst, baka hindi ko matapos ang sem na ’to.”

“Sabagay.” Nagkibit-balikat ako at muling nag-index sa screen. “Same rin tayo.”

“Sana pareho din tayo ng nararamdaman.”

Narinig ko iyon. Hindi na nagsalita. Ngumiti lang. Hindi lahat ng narinig ay kailangang bigyan ng reaction. Ni-publish ko na lang ang Chapter V ng aking kuwento.

“Nga pala, ba’t ka lumabas?” Binago niya ang topic. Akala niya ata ay hindi ko napansin ang sinabi niya kanina. “Boring do’n?”

“Sort of.”

“Rate mo nga.”

Ire-rate ko na sana nang biglang maghiyawan ang mga audience sa hall. Nakakaintriga tuloy. Umiinit na siguro ang debate o baka may bago na namang pakulo roon sa stage. Iyon ang intermission number after the SPW. Gusto ko ulit pumasok, tutal published naman ang bagong part ng story ko. Tumayo ako at niyaya siya. “Tara sa loob?”

“Tara.” Tumayo rin siya. Hindi naman kalayuan ang entrance ng hall. Dalawang hakbang nga lang sa kinauupuan namin. Pinagbuksan ni Rick ang daanan. Pinauna akong pumasok bago siya.

Dim na naman ang vision ko. Nakatayo lang kami ni Rick sa harapan ng closed doorway. Parang dalawang late-comer na walang ideya sa ginagawa ng mga on-time people; and the least we can do is to watch them. “Labas ulit tayo?”

“Ikaw ba?”

I feel so valuable naman sa ginagawa niya. Sa truth lang. Ibigay ba naman sa akin ang desisyon. “Ikaw na’ng mag-decide.”

“A, ano . . . ” Medyo nahihiya pa siyang magsabi. “Lalabas ako kung lalabas ka.”

Kind of a monotonous din naman ang event. Expected ko iyong type ng isang occasion na may slow music while staring at each other. Iyong tipong, hindi man sa kanila nakasentro ang spotlight pero feel na feel nila ang moment dahil in love sila sa isa’t isa. Shit. Sa fiction lang pala iyon nangyayari. “Tara, layas.”

Ang Tropa Kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon