"Ayokong mag-college!" Yamot na yamot kong giit habang namimili ng bagong binder, sira na yung edges ng dati ko e. Ang sakit sa eyes.
"Kuyaaa," kiling naman sa'kin ng nakababata kong kapatid. Toddler pa lang siya, around 4 years old kaya malambing. Sinama ko na mamili at nasa ibang bansa kasi ang nanay namin. Kawawa naman at walang kasama sa bahay.
"Shatap ka muna, Theo. Mamaya ka na."
"Kuyaaaa!"
"Ano ba."
"Kain tayoooo. Gusto ko Jollibee."
"Ay nako! Kumain ka mag-isa mo."
"Kuyaaa!" Hatak na niya sa damit ko. God! Kung 'di ko lang mahal 'to, hinayaan ko na siyang makidnap sa labas.
"O sige na, mamaya! Okay, here," bigay ko sa kanya ng mga napili kong binder. Isang black at kulay purple. Favorite colors ko kasi e, harhar.
"Kendi 'to kuya?"
"Tanga. Pili ka kung anong magandang kulay."
Sinuntok niya ako sa tagiliran, tapos nakanguso pa. Sus! "Ito kuya, maganda." Turo niya sa purple na binder.
"Yarn! Perfect!" Tili ko. Kapatid ko pa namili ah! Tumalikod ako, kaya lang may nakabunggo ako. Grabe naman, ang tigas ng katawan. Ayan tuloy napa-somersault ako sa loob ng Pandayan, char.
"Oy, kuya, sorry!" Paumanhin sa akin ng guy. Nakasuot siya ng cap with matching brown shirt tsaka black pants, forda aesthetic. Diretso siyang tumingin sakin, and I saw the outline of his face.
Oh. My. God.
Ang pogi!
Moreno siya tapos makapal ang kilay, sharp jawline at may balbas! Shet! Bagay na bagay sa kanya! May forearms rin ang ferson! Nalaglag 'ata panty ko!
"Ay, hehe, okay lang." Malandi kong sabi sabay hawi ng buhok ko. Char. Ang pogi naman niya kasi.
Natawa si kuya sa'kin, kaya lumandag naman agad ang puso ko. Single ka ba? Akin ka nalang!
"Ano pala, kuya," turo niya sa binder ko. "May ganyan pa bang kulay na binder?"
"Ay, this ba?" Umiling ako. "No more na ante, last na 'to."
Sumingot siya. Nooo! 'Wag ganyan baby ko! Nalulungkot din ako 'pag nakasimangot ka!
"E, ganto nalang. Kung gusto mo sa'yo nalang 'to, hanap nalang ako ibang kulay." Bigay ko sa kanya ng binder ko.
"Pa'no ka po?"
"Sus! Marami pa namang binder dito." Tiniklop ko ang mga braso ko. "Para kanino ba 'yan? Sa girlfriend mo?" Syempre kailangan kong itanong kung nakatali na siya! 'Di pwedeng kabit lang ako!
Tumawa siya ulit. O, nakadalawang tawa na siya sa'kin!
"Wala po akong girlfriend, kuya."
"Really?! Ang pogi mo kaya."
"Nako po!" Sampal niya sa balikat ko habang natatawa pa rin. Gosh, ano ba! Kahit ang pag-ngiti niya ang ganda!
Makikipaglandian pa sana ako, kaya lang may humatak na naman ng damit ko.
"Kuyaaaa." Yumakap si Theo sa binti ko. Ano ba 'yan! Epal ka talaga sa lovelife ko!
"Kapatid n'yo po?" Tanong sa'kin ni guy.
"Tumpak sis," tugon ko at hinawakan si Theo sa kamay. "Ano ba?"
"Jollibee na tayoooo!"
"Hays!" Salpak ko sa noo ko. "Sige na kuya, iyo na 'yang binder. Una na kami." Patalikod na sana si anes, kaya lang hinawakan niya ang balikat ko.
Holy sheet! That sent a jolt of electricity all over my gorgeous body!
"Ano 'yon?" I looked at him seductively. Chariz.
He opened his mouth, attempting to say something, kaya lang tinikom niya ulit. "Wala po, ingat po kayo."
"Suuure! Ikaw din!" Nag-wave muna ako sa kanya bago magbayad sa cashier. Umalis na kami sa Pandayan at dumiretso sa Jollibee. Pagka-order ko ng pagkain namin ni Theo, do'n lang ako may napagtanto.
Hindi ko nakuha number niya!
"Ang tanga-tanga ko!" Inis kong padyak at padabog na umupo sa upuan. Super pogi niya talaga, 'di siya mawala sa isip ko!
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?