Chapter 5: More About Carlo

53 9 6
                                    

"So, Eugenio, where do you work ba?" Saad ko sa kanya habang nakatiklop ang braso. Paalis na kami ng school.

"Ay ano, malapit lang ako do'n sa may simbahan."

"Yung food court ba sis?"

"Do'n nga." Ngiti niya sa'kin. Ang pogi niya, 'no ba!

"Oh my gahd!" Hampas ko sa braso niya. "Do'n rin ako nagtatrabaho! Ikaw ha, ilan beses na tayong nagtatagpo."

Natawa siya. "Baka tayo talaga ang tinadhana."

"E, naman e!" Tili ko, nangingisay na sa kilig. Nangangasim na mukha ni Ciel dun sa rear mirror, pero 'di ko siya pinansin.

"Baka magka-kompitensya pa tayo a." Dutdot ko sa balikat ni Eugenio. "'Wag mong angasan business ko sis, magsisisi ka."

"'Di naman, makaasta 'to."

"Ano ba pagkain n'yo?"

"Ha?"

"Binebenta n'yo, ka 'ko. Parang tanga."

Tumawa siya. Halata namang tuwang-tuwa siya sa'kin 'no? "Yetito. Do'n ako nagta-trabaho."

Para akong nasa anime, yung biglang may slow motion. Napatakip ako ng bibig ko. "Ha?!"

"Ano na naman?!"

"Ano ba sis!" Tinulak ko na siya. "Stalker ba kita?! Do'n rin ako nagta-trabaho! Bosit 'to!"

"Gago, magkatrabaho rin tayo?!"

"Ano ba!" Sabog na ni Ciel sa harap. "Ang ingay n'yo! Ibaba ko kayo sa tulay, e!"

Natahimik kami. "Sorry, hehe." Peace sign ko sa kanya. "Sorry rin po, kuya driver. 'Wag n'yo na po kaming itapon sa labas."

Bumuntong-hininga na lamang si Ciel samin.

"Hoy, gaga 'to," hinila ko palapit sa'kin si Eugenio. Magbubulungan nalang kami. "Since when ka nagtrabaho sa Yetito? Ni hindi kita nakikita!"

"Nagtatrabaho ako do'n sa Maynila! Maraming branch do'n, lumipat lang ako dito."

"Ano ba ginagawa mo dito aber?"

"May sakit ang lolo ko, dito siya nakatira." Bigla siyang naging malumanay. "Malapit na siyang mamatay, nararamdaman na namin. Special siya sa'kin, kaya gusto ko pa siyang makasama kahit bilang na lang ang oras niya."

"Hala, shet, sorry." Himas ko sa likod niya. 'Di ako nambabastos ah, dinadamayan ko lang yung tao!

"Seryoso?" Lingon sa'min ni Ciel. Kita mo 'tong babaeng 'to, nakikisawsaw. "Oy, Karlo, bisitahin natin sila."

"'Yon nga ang sasabihin ko e! Do'n ka nga!" Hiyaw ko at kumiling ulit kay Eugenio. Hininaan ko ulit ang boses ko. "Saang ospital ba naka-stay in lolo mo? Bibisitahin namin kayo if ever."

"Nako, hindi na, istorbo pa kami sa inyo."

"Pabebe pa 'to!" Pitik ko sa noo niya. "Sabihin mo na!"

"Hindi nga! Ayos lang."

"Ay nako, Eugenio! Listen to me!" Hila ko sa kanya palapit sa'kin. "Ikaw, ako, magkaparehas tayo ng pangalan. Same sides of a coin kumbaga. May rason kung bakit tayo pinagtagpo. We're in this together, sasamahan kita kung saan ka man magpunta. Sa ayaw mo, o sa gusto ko." Dadaldal pa sana ako, kaya lang napansin ko kung gaano magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. I can feel his breathing on mine, and ...

Ang baho ng hininga niya! Ano ba naman 'yan!

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon