Chapter 8: Tikim ng Matcha

41 7 3
                                    

Napraning ako pagdating sa stall. Ang dami nang umoorder! Uwian na kasi ng mga estudyante, sheet!

"Oy, Eugenio, sorry!" Inunahan ko na siya sa mga nag-oorder na bata. "Ako na bahala sa mga orders, gumawa ka na ng mga milktea d'yan."

"Sige, sige." Sagot niya at dumiretso na do'n sa likod. Halatang na-stress sa mga umoorder, o.

"Te! 'No order mo?" Sabak ko agad sa mga estudyanteng nakikipag-unahan pa. God! Ano ba 'yan! "Pwede 'ho bang pumila kayo? Mahina kalaban!" Bulalas ko na. Buti sumunod naman sila agad. Double time kami nina Eugenio, kuha ng order, gawa ng milktea, repeat. Sunod-sunod ang pagpunta ng mga estudyante. 'Di pa ata uuwi ang mga hinayupak na 'to.

Pagkalaon nakaraos na rin kami sa rush hour. Char! Nakakastress kaya! Nag-collapse ako agad sa upuan ko.

"Eugenio, pakilista nalang yung mga available flavors pa diyan ha." Utos ko habang hinihingal pa. Um-oo nalang siya sa'kin at binalot kami pansamantala ng katahimikan. Nalingon na lamang ulit ako sa kanya. Ang satisfying tignan mukha niya e, harhar. 'Di talaga ako magkanda-sawa sa mukha niya, kainis.

Napansin niya siguro yung pagtingin ko, bigla siyang namula e. Ang cute tignan! "Karlo naman e, do'n ka nga tumingin."

Humalakhak ako. "Sorry!" Tumayo nalang ako. "Nagugutom ako. Gawa tayo milktea."

"Sinong magbabayad?"

"Ako!" Hinila ko siya paalis do'n sa kusina. "Upo ka nalang d'yan. Ay dikit mo pala muna 'yang note sa harap para alam ng customer kung ano pang flavors meron." Sinunod naman niya ako agad. Good boy!

"What flavor do you want ba?" Giit ko at naghalungkat sa ref. Matcha ang gusto ko. Ubos na yung stock ngayon, pero kilala ko yung mga tao dito. Kadalasan nag-iiwan sila ng mga extra sa ref para may mainom sila. Akala nila 'di ko alam!

"Kahit ano na lang, ubos na yung gusto ko e." Sagot sa'kin ni Eugenio.

"'Di 'yan! Ako bahala sa'yo. May tira pa dito sa ref. Anong flavor ba?"

"Matcha sana."

For dramatic effect, binagsak ko yung bote ng mineral water. Bukang-liwayway akong humarap sa kanya.

"Ano ulit?" Tanong ko habang nanlalaki mata.

Nagtataka siyang tumingin sa'kin. "Matcha ... ?"

"Susmaria!" Binagsak ko ang braso ko. "Gahd sis! Favorite ko rin 'yan e!"

"Gusto mo rin yung matcha?!" Bulyaw niya. Gulat din ang ferson!

"Oo! Namo!" Unting-unti rin akong natawa. Mahina ko siyang tinulak sa balikat niya. "Ang dami talaga nating pagkakatulad, no?" 'Di ko na maiwasang mangiti.

Kahit siya napangiti na rin. "Parang tinadhana talaga tayong magkakilala."

Marahan akong natawa. Kumuha na ako ng matcha sa ref. "Ayun o! See? Sabi sa'yo may tirang matcha dito e!" Abot-tenga ang ngiti ko. Nag-umpisa na akong magtimpla.

"Ay, Karlo!" Tawag niya sa'kin. "Hot matcha sa'kin ha? Ayoko ng malamig."

"May gano'n?!" Sambitla ko. "D'yan tayo nagkakaiba, Eugenio." Shinake ko na muna yung matcha tsaka ko hinalo sa mga tasa. Pinuno ko ng mainit kina Eugenio habang nilagyan ko naman ng yelo ang akin. "Gusto mo mainit, akin, I prefer it na malamig." Giit ko. "Want mo ba na may whip cream o cream cheese?"

"Whip cream nalang."

"Ocakes!" Parehas kong nilagyan ng whip cream yung mga matcha, at syempre may pearls ang akin. Nilagyan ko ng lid yung cup ko. Binigay ko sa kanya ang hot matcha niya habang naupo ulit ako sa upuan ko. Hinintay ko munang tikman niya ang gawa ko bago ko inumin ang akin.

Isang hilatsa ang kumurba sa bibig niya. "Masarap ah."

Tumawa ko. "Totoo ba 'yan? Mas masarap ka kaya gumawa!"

"Hindi, ah! May ano, may something na kakaiba sa matcha mo."

"Ah, baka kasi panis na."

"Ha?!"

"Joke lang!" Halakhak ko ulit. "Marami ngang nagsasabi, masarap akong gumawa ng matcha. Siguro kasi paborito ko talagang timplahin 'yan." Isa naman sa mga rason kung bakit ako nag-apply sa ganitong trabaho. While pinangarap kong maging flight attendant, parang masaya rin na nagtitimpla ka lang ng mga inumin sa tabi-tabi.

Kung hindi lang sana ako gahol sa hirap, I can dream of something small such as that. Pero wala e, kailangan kong lumaban at magpursige, kung gusto kong maging successful at mabuhay ng matagal dito sa mundong ito.

"Oy, Eugenio," taas ko ng cup ko sa kanya. "Cheers tayo."

Tinaasan niya ako ng kilay, pero ginawa niya naman.

"Isang toast para sa mga pusong sawi!" Hiyaw ko at nag-cheers kami.

"Pinagsasabi mo?!" Bawi agad ni Eugenio sa tasa niya. Sorry a! Mukha ba akong lasing?!

Tumawa nalang ako, tulad ng lagi kong ginagawa. "Wala! Uminom ka nalang d'yan."

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon