Chapter 12: Inom Pa More

37 5 5
                                    

'Di nagtagal, umalis na kami nina Eugenio sa damuhan. Pinuntahan namin sina Zinjie na nakikipagbardagulan sa mga tropa niya. Nagpaalam sila do'n sa gwardya na gagamitin yung bakanteng lote. Sakto ba namang may net na nakatengga do'n kaya tuwang-tuwa ang mga walangya.

"Taas nung net o!" Tuwang-tuwa si Zinjie habang nilalabas yung mga raketa at mga shuttlecock. Marami siyang dinalang shuttle at sigurado raw siyang marami kaming maiwawala. Grabe ha!

"Single o double?" Tanong ni Ed, isa sa mga kaibigan ni Zinjie.

"Double nalang kayo," sabat ko sabay kuha ng raketa ko. Kinuha ko rin ng isa si Eugenio. "practice muna kami nina Eugenio. Tapos kung sino ang mananalo sa inyo, kami ang kalaban n'yo."

"Gusto mo lang solohin si Eugenio e." Ngisi ni Zinjie. Anak ng!

"Sira!" Bulalas ko na ikinatawa niya lang. Nagpartehan na sila at naglaro do'n sa may net. Lumayo kami nina Eugenio ng onti sa kanila para 'di kami magkanda-bunggo.

"So Eugenio, naglalaro ka ba ng badminton?" Giit ko at inayos ang pagkakahawak ko sa raketa.

Isang mapait na ngiti ang isinagot niya sa'kin. "Oo."

"Weh?" Hinagis ko yung shuttle sa taas. "Sige nga, saluhin mo 'to!" Pinalo ko sa kanya yung shuttlecock ng pagkalayo-layo, at mabilis siyang tumakbo para habulin 'yon. Imagine yung gulat ko nung naabutan n'ya yung bola at napalo niya ito pabalik sa'kin. Sumapol siya sa mukha ko!

"Aray hayop!" Daing ko sabay hawak sa ilong ko. Sa'kin namang nagkadarapang tumakbo si Eugenio.

"Sorry, Karlo! Ano yung masakit?" Saad niya at hinawakan yung mukha ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hinaplos niya ang pisngi ko. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Sheet, 'no ba!

Natingin siya sa ilong ko. "Namumula ilong mo. Buti na lang 'di nagdugo." Marahan niyang sabi at ilong ko naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Ang lapit ng mukha niya sa'kin! Kumikislot yung puso ko, 'di na nakakatuwa!

"Oo nga!" Tawa ko nalang at humakbang palayo sa kanya. Grabe na talaga ang lalaking 'to, sis! 'Pag 'di siya umamin na gusto niya ako, ako na! Ako na ang magsasakripisyo! Sasabog na ako dito!

Humalhal siya sa reaksyon ko. "Namumula ka naman, o."

"Tse!" Tinalikuran ko siya. "Maglaro na lang tayo!" Hiyaw ko ulit at pinalo sa kanya yung bola.

Paglipas ng ilang oras, nagkumpulan ulit kaming magkakagrupo. Nakalaban namin sina Zinjie at Ed. At syempre, nanalo na naman yung dalawa. Kasama ba naman si Zinjie, e! Magaling maglaro ng badminton ang tukmol na 'yan!

Umupo kaming lahat sa damuhan pagkabili ng mga inumin. Mountain dew ang binili ko kasi kakulay niya yung matcha. Charing!

Nagpapahinga kami nang biglang may lumapit sa'ming babae. Muntikan na akong mabulunan sa iniinom ko.

"Zinjie! Kayo pala 'yan!" Wika ni Ciel, kaya naman mabilis ko siyang sinita.

"Oy, babae!" Tili ko at hinampas ang braso niya.

Sa isang iglap, nawala yung ngiti niya nung makita ako. "Nandito ka rin?!"

Ah, ganon! Kay Zinjie ka lang mabait! Sasabihin ko sana, pero kawawa naman kapag napahiya siya 'no.

"Ciel!" Giit naman ni Zinjie at nginitian siya. Ako naman ngayon ang humagikgik. 'Di naman gano'n ka-obvious si Zinjie sa nararamdaman niya para kay Ciel, pero napapansin ko yung bigla siyang naiilang tuwing nagkikita sila ng kaibigan ko. Alam mo 'yon, yung biglang nagiging mahiyain! Parang 'di siya makabasag-pinggan e!

"Ba't ka napunta rito?" Tanong ni Zinjie sa kanya.

"Ah, wala. May tournament do'n sa stadium, e. Gusto manood ng ninong ko."

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon