Chapter 11: Philippine Arena

37 5 3
                                    

Ilang araw na ang lumipas. Same routine lang naman ang nangyayari. Papasok sa eskuwelahan at sa trabaho. Buti na lang at once a week lang ang klase sa Ethics, kaya madalang kaming magkita ni Ian.

Biyernes ngayon, kaya maaga uwi namin. Isa lang ang klase namin! Kaya the best ang friday e!

Maaga kaming pumasok nina Eugenio sa trabaho. Nag-iwan ng note yung naunang shift na mag-restock ng boba pearls at tsaka ng black tea. So pagkalagay namin ng mga aprons, sumabak agad kami sa trabaho.

Si Eugenio ang kumuha ng measurements such as cups, tablespoons and the like ng mga ire-restock namin, habang ako naman ay pinakulo ko yung tubig na paglulutuan ng pearl. Sa kanya ko pina-brew yung black tea kasi napansin kong mas gusto ng mga customers yung gawa niya. Ano bang meron sa timpla ko?!

As usual, inayos ko ang menu ng stall namin. Pagkatapos kong maluto yung mga pearl, do'n na kami umupo nina Eugenio at nagpalipas ng oras. Nilabas ko ang cellphone ko para malibang.

"'Di ko alam na ex mo pala si Ian." Giit ni Eugenio kaya nagsalubong ang kilay ko.

Hinampas ko siya sa balikat niya. "Nako, sis! Mag-move on ka na!" Saad ko. "At tsaka, 'di naman seryoso ang relasyon namin."

"Weh?"

"Anong weh?!" Bulalas ko.

"Karlo, kung 'di talaga seryoso ang relasyon n'yo e bakit hindi kayo makapag-usap ng maayos?"

"Eugenio." Humarap na ako sa kanya. "Isang beses mo pa lang kami nakitang magkasama. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit mo siyang binabanggit sa usapan natin. Ito lang ang masasabi ko sayo. Recently lang kami naghiwalay." Tinapik ko ang dibdib ko para madiin sa kanya. "Fresh pa ang sugat, sis. Kailangan pa namin ng oras bago kami maging magkaibigan ulit."

Natahimik siya sa speech ko, kaya tiniklop ko ang magkabilang braso ko. "Bakit, nagseselos ka ba?"

"Anong selos?!" Hiyaw niya sa'kin. Ngayon siya naman ang humampas sa balikat ko. Humalakhak ako at sumandal sa upuan ko.

"Ikaw naman kasi e!" Asar ko sa kanya. "Walang tigil sa pagbanggit sa kanya. 'Pag ex na, ibig sabihin wala na! Mga 'di na binabalikan 'yan!"

"Sabagay.. " tugon niya.

"By the way pala sis, yung biking bukas ha? 'Wag mong kalimutan." Giit ko habang nagse-cellphone ulit. Muntikan nang mawala sa isip ko ang gala namin kasama si Zinjie!

"Sa'n ba magkikita-kita?"

"Dito na sa bayan, do'n sa munisipyo."

"Sige." Nag-cellphone na lang din siya. Cute naming dalawa 'no? Puro cellphone ang inaatupag. Char!

Pagkalaon, dumating na ang bansag ng mga estudyante. Bumalik na kami sa pagta-trabaho hanggang sa kumagat ang dilim.

***

"Kuyaaa," daing na naman ni Theo. "inaantok pa ako!"

Sinukbit ko na lang siya sa bag ko. Sinigurado kong 'di siya makakaalis do'n bago ako sumakay sa bisikleta ko. Dahil paniguradong malalasing ako maghapon, iuuwi ko muna ang kapatid ko kina tita. 

Dumaan muna ako sa laundry shop at hindi ko maasikaso ang mga damit namin. Pagkatapos ay binaba ko na siya kina tita at dumiretso sa munisipyo. Nakita ko agad si Zinjie na nakaupo do'n sa waiting shed at nakasandal yung bisikleta niya sa tabi niya. As usual, nakatoka na naman siya sa cellphone niya.

"Oy Zinjie!" Hiyaw ko at pumedal palapit sa kanya.

"Ikaw pala 'yan! Aga mo ah!" Sambitla niya. "Upo ka muna. Malapit na raw yung iba."

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon