Chapter 4: Sumabay Ka Na

69 9 1
                                    

"Cieeel, pa-dismiss ka na."

"Five minutes pa."

"'Di naman papasok si sir e!" Padyak ko. Ginagalaw ko na ang balikat niya. "Maawa ka na, uwing-uwi na 'ko!"

"Maghintay sabi!"

"Hmp! Bosit na mayor 'to!" Iniwan ko na siya at umupo sa upuan ko.

"Karlo, ayaw pa rin?" Tanong nitong katabi ko.

"Negative, Eugenio." Wayway ko sa kamay ko. Kanina mukha kaming tanga dalawa kasi 'di naman alam ang itatawag sa isa't-isa. Same name ba naman kasi. Wala rin siyang second name. Hays!

Buti nalang nasabi niya na kadalasan Eugenio ang tawag sa kanya ng mga kamag-anak niya. So napagakasunduan namin na Karlo ang tawag niya sa'kin while I call him Eugenio. It's so cute kaya! Sana pati last name niya mapasaakin. Char!

"Parang tanga talaga 'yang si Ciel, masyadong strikto." Giit ko habang nakatiklop ang braso.

"Narinig ko 'yon!" Hiyaw ni Ciel sa harap.

"Dapat lang!" Sigaw ko pabalik kaya nagtawanan yung mga tao sa room.

"Kailan pa ba kayo naging magkaibigan ni Ciel?" Tanong ni Eugenio.

"Nako, sis, kababata ko 'yan. Pinsang-buo ko kasi. 'Di na kami pinaghiwalay!"

"'Di nga?"

"I'm telling the truth! 'No ba!" Hawi ko ng buhok ko. "Kahit masungit 'yang si Ciel, mabait 'yan. Actually, alam mo ba. Crush siya ni Zinjie, ayaw lang umamin." Ayan sige, napa-chika na ako.

"Zinjie?" Laking mata sa'kin ni Eugenio. "As in Zinjie, yung pinaglalaban ng school na 'to dati sa tennis?"

"Oo!" Halakhak ko. "Kilala mo pala? Ayon siya, o." Turo ko sa may likod. Siya yung lalaking nakikipagkumpulan sa grupo ng mga lalaki, mga naglalaro ng ML. Kita mo 'tong mga 'to! Parang mga bata pa rin.

Super pogi naman si Zinjie, curly ang buhok niya, fair-skinned at mahilig magsuot ng salamin. Mukha raw kasi siyang nerd kaya gano'n. Ewan ko sa kanya.

Crush ko siya dati e, kaya lang masyadong matalino. Sinabi niya rin sa'kin na gusto niya si Ciel, so wala na akong say. Magsama sila, parehas naman silang beauty and brains.

"Kilala ko 'yan! Dati kong kaklase kambal n'yan e!" Hiyaw sa'kin ni Eugenio.

"Weh ba? Do'n sa Maynila?"

"Oo! Kamusta na pala kambal n'ya?"

"Patay na! Since last year pa!"

"Luh!" Bulalas niya sa'kin. Nagkatinginan kami ng ilang segundo, parang pino-process pa ang sinabi, pagkatapos ay nagtawanan nang parang mga tanga.

"Baliw ka talaga, Karlo." Hampas niya sa'kin, pero light lang naman. Natatawa pa rin ako.

Pagkalaon, nagpauwi na rin si Ciel. Dahil malandi ako, sumabay ako kay Eugenio palabas ng school.

"Oy," kinalabit ako ni Ciel. "pupunta ka sa trabaho mo 'di ba? Isabay mo na si Eugenio sa'tin."

"Nakakahiya sis!" Protesta ko.

"At talagang ngayon ka pa nahiya? Dikit na dikit ka nga sa kanya kanina!"

"E, sis naman!"

"Ayain mo na! Baka nakatira lang s'ya diyan sa tabi-tabi. Dagdag points mo na rin sa kanya."

"Baliw!" Sigaw ko, pero sinunod ko naman. Hinabol ko si Eugenio do'n sa may gate.

"Oy, Eugenio!"

"Ano 'yon?" Lingon niya sa'kin.

"Ano kasi, hehe," umandar na naman ang kalandian ko. "gusto mo sabay ka na lang sa amin? Sa'n ka ba nakatira?"

"Ay hala, 'wag na." Bumigat ang dibdib ko. Bakit mo ako tinatakwil? "May part-time kasi ako e, do'n na ako didiretso." Dugtong niya, at parang may umilaw na bumbilya sa isipan ko.

"Same, sis!" Bulalas ko. "Sa trabaho rin ako papunta! Sabay na tayo!"

"Seryoso ka?" Gulat din siya o, harhar.

"Oms! Halika naaa!" Kinaladkad ko na siya papunta do'n sa kotse.

"Hoy! Kotse talaga?" Bulalas ni Eugenio, pero pinasok ko nalang siya sa loob.

"Okay, darling, put on your seatbelt." Suyo ko at kinabit sa kanya yung seatbelt kahit na nasa backseat kami. Napa-facepalm si Ciel sa harap. Bakit baaa?! Marupok ako e!

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon