"Hoy accla! Asan ka na?!" Bungad sa akin ng kaibigan kong si Ciel. Magkatawagan kami habang inaayos ko ang bag ko.
"Maghintay ka! Palabas na ko!" Sigaw ko pabalik.
"Ta'mo. Ang bagal mo. Iwan kita d'yan e."
"'Tong babaeng 'to! Be patient, sis! May inaalagaan akong kapatid! Idadaan pa natin siya kay tita! Walang magbabantay dito!"
"Alam ko! Dalian mo at late na tayo!" Tili na niya. Sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. Mainit ulo?!
"Halika na nga Theo," hila ko sa kapatid ko matapos ko siyang pulbusan. Binihisan ko rin siya ng sando at shorts kasi mainit. Ewan ko ba sa panahon ngayon, 'di mo maintindihan. Parang relasyon lang, nagbibigay ng mixed signals.
Ngumiti sa'kin si Theo. Mas mukha pa siyang papasok kaysa sa'kin, I swear. "Mainit ulo ni ate Ciel mo. Iiwanan tayo no'n." Giit ko.
"Lagi namang galit si ate Ciel."
"Paaak! Exactly!" Tawa ko sa kanya at lumabas na kami ng apartment. Nasa subdivision rin yung apartment namin, at kadalasan hinihintay kami ni Ciel do'n pa sa may gate. Kaya ayan, lagi siyang naiinip maghintay. Kasalanan ko bang lagi akong late magising? Harhar.
Nakapunta na kami sa may gate, at ayan na nga si ante. Nakatiklop ang braso at pinipitik na ang paa.
"Sis, maaga pa. Sa classroom mo nalang ibuhos galit mo." Asar ko sa kanya.
Inirapan niya ako. Sungit! "Pasok na, late na tayo."
"May 30 minutes pa."
"Tse! Pasok na!" Tulak niya sa amin sa loob ng kotse. Kita mo 'to! Laging galit! Kung 'di ko ito kaibigan, nakatikim na rin 'to sa akin e!
***
Pagkapasok namin ng classroom, hinatak ko agad sa'kin si babaita. "Hoy Ciel, dito ka. Tabi tayo." Hinila ko siya paupo.
"Parang tanga 'to. Porket wala ka nang ka-chikahan dito e."
"Pake mo aber?!"
"Saang section ba nalipat si Ian? Irregular na siya, 'no?"
"Shatap ka nga! I don't care about him! Manigas siya!" Takip ko ng tenga ko.
"Tumitigas nga s'ya. Sa'yo."
"Ina mo!" Hahampasin ko na sana siya ng binder ko, kaya lang pumasok na ang professor namin. Hindi na namin siya binati, dahil wala lang. Char. College na kami, so wala na silang pake kung ano man ang asal namin.
"May bago kayong kaklase. Isa siyang transferee from a school in Manila." Panimula niya at tumingin sa naka-urang na pinto.
"Oh em! Baka pogi." Hagikgik ko.
Binatukan ako ni Ciel. "Tangina 'te, ang rupok."
Pumasok na si mysterious transferee sa loob ng classroom, at umuwang ang bibig ko.
Mr. Poging-From-Pandayan?!
Holy sheet!
Suot-suot niya ang school uniform namin at pinatungan pa niya ng black blazer! Kitang-kita ko ang tulis ng mga balikat niya! God! Gusto kong kagatin! Kahit naka-facemask niya, umaalingawngaw pa rin ang kanyang super gorgeous assets!
And have I mentioned na hindi niya suot ang cap niya ngayon?! His hair is so messy, pero pak na pak sa kanya! Ano baaa, parang si Papa G mismo ang humulma sa kapogian niya!
Naglalaway pa ako nang bigla akong siniko ni Ciel.
"Tulala ka ah, kilala mo- "
"Sisss!" Hampas ko sa kanya. "It's him! Siya yung nakita ko sa Pandayan!"
"O tapos?"
"He's so pogi! Tapos moreno, type na type ko siya!"
"Hoy," sipat bigla ng professor namin. "Kanina pa kayong dalawa. Ano ba pinagbubulungan n'yo?"
"Nothing ma'am!" Sagot ko.
Bumuntong-hininga na lang siya sa katarantaduhan namin. "Sige anak, introduce yourself."
Inayos muna ni kuya ang sarili niya, at doon na nagtama ang mga mata namin. Expected ko na iiwas agad siya ng tingin, pero nanatili siyang nakatitig sa akin. Halatang shock na shock siya na makita ang beauty ko, o. Napangiti tuloy ako nang parang tanga. Yung heart ko sis! Parang kinukuryente!
Tumikhim siya. "Ano, ahem, good morning po sa inyong lahat." Nag-bow siya. Ang galang naman! "My name is Carlo Eugenio. Nice to mee- "
Biglang bumagsak ang dibdib ko. Ha? Ano raw?!
Carlo? Pero Karlo pangalan ko!
Magkaparehas kami ng pangalan?!
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?