"Hoy Zinjie, ba't napunta silang dalawa sa kama ko?"
"'Ba, malay ko! Ba't ka sa sahig natulog?"
"Malamang! May tao sa kama ko! Tangina naman, lasing ka pa ba?!"
Nagising ako sa pag-aarmalite ng dalawa. Umagang-umaga e, ano bang ginagawa ng mga 'to sa bahay ko?
"Oy, par, gisingin mo na si Karlo." Rinig ko naman sa boses ni Luis.
"Si Karlo o si Carlo?"
"Ako na nga lang!" Bulalas niya at naramdaman ko nang may sumampal sa pisngi ko.
"Pota!" Hiyaw ko at diretso bangon sa kama. Napadaing ako bigla sa sakit ng ulo ko. Sheet! Nakarami ba ako ng inom kagabi?
"Grabe ka na, Karlo!" Alog sa'kin ni Zinjie. "Talagang nilasap mo si Eugenio sa bahay ng iba?! 'Di mo manlang hinintay na makauwi sa inyo!"
"Ha?!" Sigaw ko at hampas sa balikat niya. Ang lapit ng mukha niya sa'kin e! "Anong pinagsasabi mo?"
"Sinubo mo na ba ang hiyas? O pinasok? O ikaw ang pinasu- "
"Anoooo?!"
Nahihilo pa ako hanggang sa may pumasok pa sa loob ng kwarto.
"Mga par, nag-uumpisa na yung Angry Birds."
"Mamaya na!" Bulalas naming lahat kaya sinarado na lang niya yung pinto.
"Hoy Zinjie, lasing pa ako at bagong gising. Ano ba 'yon?" Tanong ko na bago ako mabaliw. Ngumuso lang si Zinjie sa gilid ko kaya naman do'n dumiretso ang mata ko.
E susmaria! Nagising ang diwa ko. Biglang akong namula.
Si Eugenio! Nakayakap sa'kin habang tulog! Himbing na himbing pa rin s'ya, o! 'Di pa ba siya nagigising sa kaingayan namin?
"Sis?!" Harap ko agad kina Zinjie. Sobrang init ng mukha ko, 'no ba!
Nagkatinginan lang ang mga tukmol. Ngumisi si Zinjie at pinagkrus ang magkabilang braso niya. "May nangyari nga."
Hindi nakakatuwa!
Gumalaw si Eugenio kaya naurong ako. Dumulas ang kamay niya sa kamay ko, at mahigpit niya itong hinawakan. Ang init ng palad niya, shet! Gan'to ba talaga siya 'pag tulog?
"'Wag mo akong iwan.. " saad niya, at unti-unting idinikit ang katawan niya sa'kin. Sinubsob niya ang kanyang ulo sa balakang ko. Ayaw niya talaga akong pakawalan, 'te.
Nagpalakpakan ang mga kasama ko. Aba!
Nilahad ni Zinjie ang kamay niya sa'kin. "Congratulations, Karlo. 'Wag mo siyang pakakawalan."
"Baliw!" Bulalas ko at hampas sa kamay niya kaya humalakhak sila.
"Gisingin mo na s'ya. Tulungan n'yo akong magluto ng almusal."
"Ano lulutuin?"
"Dynamite. Bumili pala ng siling haba sina Ed at Luis kahapon."
"Ah, sige! Umalis na kayo." Taboy ko sa kanila kaya nagtatawanan silang umalis sa kwarto. Bumuntong-hininga na lamang ako at sinulyapan ang katabi ko.
Ang kalmado ng mukha niya. Gusto ko siyang halikan. Harhar.
Teka nga, halikan?
Blanko pa ang utak ko hanggang sa na-process ko ang lahat ng nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko at nabulwak paalis sa kama. Humiyaw ako pagkalaglag ko sa sahig. Ang sakit ng pwetan ko, hayop!
Tama ba 'tong naalala ko? Naghalikan kami?!
Or rather, hinalikan ako ni Eugenio!
Umugong siya kaya napaatras ako. Gising na siya! Binuksan na niya ang mga mata niya kaya napatakip ako ng bibig ko. Sheet! Hindi ako makahinga! Hindi ko alam ang sasabihin ko!
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
Storie d'amoreTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?