Kampana at mahabaging musika. Ang nakakabighaning pagkanta ng mga choir sa loob ng simbahan. Ine-enjoy ko pa ang senaryo nang biglang may humila sa damit ko.
"Kuya, ilang minutes pa?" Tanong ng magaling kong kapatid.
"Theo naman!" Sirit ko. "Anak ka ng pu- " natigil ako nang mapagtanto kong nasa simbahan nga pala kami!
"Hay nako! Muntikan na akong magkasala." Giit ko at marahan na piningot ang tenga ni Theo. "Wait ka muna, okay? Malapit nang matapos."
"Ilang minutes?" Ngiwi niya.
"Ewan ko! Mga five minutes, gano'n."
"Ga'no karami, kuya?" Binuka niya yung mga kamay niya sa'kin.
"Magbilang ka." Bara ko.
Sumimangot siya. "'Di pa ako marunong magbilang.. " Maiiyak na siya. Ano baaaa!
Binuhat ko na lang siya at hinele. "Nagbibiro lang si kuya e, ikaw naman."
"Ilang minutes pa kuya?"
"Hays!" Patawarin n'yo ako at magkakasala 'ata ako sa loob mismo ng simbahan! "Kaparehas ng ano, mga daliri sa kamay mo."
"Parehas kuya?"
"'Di, yung isang kamay lang."
"E 'di saglit na lang!" Tuwang-tuwa niyang sagot. Pumalakpak siya.
Binaba ko kamay niya. "Mamaya pa papalakpak. Excited ka."
Humagikgik siya, pero wala na siyang sinabi. Natahimik din!
Bumuntong-hininga ako. Sinundo ko agad si Theo do'n kina tita at napag-isipang magsimba. Para mag-cleanse ng mga kasalanan, gano'n.
As if makakalimutan mo yung pinagsaluhan n'yong halik nina Eugenio?
Tinaboy ko ang walang pakundangan kong kaisipan dahil ayoko muna 'yon maalala. Sa ngayon, mabait akong nilalang! Hindi ako malandi! Wala akong iniisip na kahalayan!
Pero natutuwa talaga ako sa moment namin kanina, harhar!
Sabi rin sa'kin ni Eugenio na pwede naming bisitahin ang lolo niya bukas pagkatapos ng klase. Medyo maaga uwian namin kasi 'di papasok yung professor namin sa last subject. O, 'di ba! May progress kami!
Kung alam ko lang na isang halik lang pala ang magpapabuti sa relasyon namin, e 'di sana matagal ko na siyang nilaplapan.
Nabalik ako sa ulirat nang tumunog ulit ang kampana. Umurong ako sa gulat. Hayop na 'yan! Ang lakas! Talagang ginising ako sa katotohanan!
Nagpalakpakan na ang mga tao, senyas na tapos na ang misa. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at inakay si Theo palabas ng simbahan. Nadaanan namin yung mga stand ng fishball at kung ano-anong street foods. Todo iyak naman 'tong kapatid ko kasi gusto niyang kumain. Pumunta na lang ako sa malapit na karinderya at binili siya ng ice cream do'n. Yung hoodsie cup ang binili ko para 'di makalat.
"Kain." Bilin ako at sinubsob sa bunganga niya yung ice cream gamit yung kutsara. Yung maliit na gawa sa kahoy, yung mas malasa pa kaysa sa mismong ice cream.
"Gusto ko yung nasa labas!"
"Madumi 'yon."
"Weh?"
"Oo nga." Pingot ko naman sa ilong niya. "May lalabas na uod sa pwet mo kapag kinain mo 'yon."
"Hala! Ayawww!" Bulalas at yakap niya sa kanyang katawan na ikinatawa ko. Naniwala talaga siya do'n 'no!
"Oy, Theo," giit ko sa kasama ko. "bukas aalis tayo."
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomantikTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?
![I Love You So Matcha [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/328794715-64-k63774.jpg)