CARLO
"Carlo, apo." Hinawakan ni lolo ang kamay ko. Malumo na ang boses niya, mahina na. Halos kapos na siya ng hininga at singap na lang ang salita niya. "Piliin mo kung saan ka mas sasaya.. 'wag mo na silang saktan."
'Yon ang huli kong narinig na mga salita sa kanya. Naalala ko pa nung araw na 'yon, nung bumwelto na ako sa harap ni lolo at sinabi na sa kanya ang lahat. Hindi na kaya ng konsensya ko.
Yung araw na pinaalis ko si Karlo ng ospital. Alam ko, mali. Alam ko, lubos ko siyang nasaktan. At nagsisisi ako.
Sana 'di na lang ako umamin kay Karlo. Kung pwede lang sana na ibalik ko ang oras na nakikita ko lang siyang binibigyan ako ng makahulugang tingin, pasimple lang siyang lumalapit sa'kin, nung magkaibigan pa lamang kami.
Kung sana.. sinabi ko na sa kanya ang tungkol kay Athena.
Kung sana ay gumaya ako sa kanya, na hindi na nag-agtubli pa at tinapos na kung ano ang mayroon sa kanila ng ex niya.
Napahilamos ako sa mukha ko. Pero iba 'tong sa akin, e. Gusto ko si Athena. Hanggang ngayon. Hindi ko siya kayang pakawalan.
Kaya ni Karlo, pero ako hindi.
Kahit ilang beses niya akong saktan, o kung kahit ilang beses na kaming nagkatampuhang dalawa dahil sa hindi kami magkaintindihan, hindi ko siya kayang iwan. Iba ang ngiti at ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya at hindi 'yon maikukumpara sa nararamdaman ko kapag si Karlo ang kasama ko.
"Carlo," narinig ko ang malumanay na boses ni Athena sa labas lamang ng kwarto ko. Napabuntong-hininga ako at marahan na binuksan ang pinto.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na ikinaurong ng katawan ko. Ramdam ko ang pintig ng puso ko sa simpleng init na dumadaloy sa balat niya habang mataimtim siyang nakatingin sa'kin.
Nakokonsensya ako. Pero God, na-miss ko si Athena. Sobra. Para akong natutunaw sa tingin niya pa lang.
"Athena." Sambit ko pabalik at mahigpit na hinawakan ang kamay niyang nakahawak naman din sa'kin. "Kamusta ang mga bisita?"
"Ayos lang," sagot niya at inalis ang kanyang mga kamay sa aking mukha. "ikaw, Carlo? Kanina ka pa wala do'n sa labas, hinihintay ka ng mga bisita roon. Kahit yung mga magulang mo hinahanap ka."
"Hayaan mo sila." Igting-bagang ko. "Kapal ng mukha nilang umaktong 'di makabasag pinggan matapos nilang pabayaan si lolo."
"Carlo naman!" Sitsit ni Athena. Halatang nagalit sa sinabi ko. "Sila ang nagbayad ng lahat ng bayarin para sa lolo mo. 'Wag ka namang ganyan!"
"Kahit na!" Bulalas ko naman at napahilamos ng mukha. "Kahit kailan ay hindi nila binisita si lolo. Ako lang ang nag-aalaga at pinahahalagahan siya hanggang sa huling paghinga niya. Tapos ganyan sila kung umasta? Tila nagdilang anghel! E ni hindi nga nila naalala si lolo nung gusto niya na may magbantay sa kanya!" Pero ngayon, huli na. Patay na siya. Patay na si lolo.
"Carlo, umayos ka." Dutdot niya sa dibdib ko. Parang nanay din kung umasta 'to e. "Ilang taon ka na? College ka na 'di ba? Ayusin mo 'yang ugali mo. Lumabas ka do'n. Sa tingin mo ba matutuwa ang lolo mo na dumidistansya ka sa mga kapamilya mo?"
"Ayaw naman din ni lolo sa kanila e."
"Carlo!" Pinisil na niya ang braso ko.
"Sige na, sige na! Eto na!" Suko ko habang nakataas ng kamay. Suminghal ako at tinabig siya, pero marahan lang naman. Umiling-iling siya sa'kin.
Burol ngayon ng lolo ko, sa susunod na araw siya ililibing. Ang bigat lang talaga sa damdamin. Ang bilis niyang nawala. Tila ba wala namang epekto ang pagpapagamot namin sa kanya. Pinahaba lang nito ng karampot ang buhay niya, pero agad naman din siyang kinuha sa amin. Sa akin.
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
Любовные романыTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?