Nilabas ko na yung mga powder na gagamitin namin at hinayaan ko na si Eugenio na magtimpla ng mga order ni Ciel. Inayos ko nalang yung menu dun sa stall namin. Kinuha ko yung report nung naunang mga vendor para malaman kung ano pa ba ang mga available na mga flavors and toppings.
Nalumanay ako nang makita kong ubos na yung matcha. Ano ba naman!
Gayunpaman, nagtanggal na ako ng mga flavors sa menu at tinapon yung mga extra cups na naiwan nung unang shift. Nagpupunas pa ako ng table nang tinawag ako bigla ni Eugenio.
"Karlo! Green ba o black tea ang tsaa ni Ciel?"
"Ay! Nakalimutan kong itanong, pota." Sampal ko sa noo ko. "Ano- black tea nalang, 'Yon nalang din ang ilagay mo sa wintermelon. 'Di naman niya mapapansin 'yan."
Natawa siya. "Sabi mo 'yan ah."
"Oo nga!"
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Wala pa namang mga customer kaya umupo muna ako at nag-cellphone. Sakto namang nakita ko na may message ni Zinjie sa'kin, naka-voicemail pa ang hinayupak. Binuksan ko yung message.
"Oy! Gusto mo bang sumama sa Philippine Arena sa sabado?"
Luh! Ba't nag-aaya na naman 'to? Tinawagan ko na ang tukmol dahil 'di na kinaya ng pasensya kong mag-type.
"Hoy Zinjie! Anong pupunta na naman ng Philippine Arena? 'Di ba may concert ng Blackpink 'yon?"
"Tanga! Tapos na 'yon!"
"Ay weh?!" Bulalas ko.
"Loko 'to. Biking tayo ng mga kaklase natin do'n. Tapos kain. May bakanteng lote rin do'n e, pwede raw maglaro."
"Ano lalaruin natin aber?"
"Badminton! Ano, game ka?"
"P'ede bang uminom?" Hirit ko habang bumibungisngis. Bakit ba?!
"Sino bang may sabing hindi?" Sagot niya habang natatawa rin. Sabi na nga ba e, gusto lang nitong uminom! Kaya ako nagka-crush sa kanya dati e!
"Sige na! Sasama ako." Magpapaalam na sana ako, kaya lang nahagip ng mata ko si Eugenio. Binubuhos na niya yung mga milktea sa cup. Highlight na highlight mga masel sa braso ah. Before I knew it, namula na ako.
"Ano, Zinjie, pwede bang mag-aya?" Balik ko ulit sa tawag.
"Basta 'wag babae."
Napasinghal ako. "Oo na, hindi si Ciel aayain ko."
"Hoy!" Biglang taas ang boses niya, o! Natawa tuloy ako.
"Charing! Pwede ko bang isama si Eugenio?"
"Syempre naman." Saad niya. Pagkalaon, nagpaalam na kami at baka kung ano pa ang ma-chika ko. Dumaan naman na sa'kin si Eugenio para lagyan na ng lid yung cup. Naamoy ko ang pabango niya. In fairness, mabaho man hininga niya, bawing-bawi naman sa aroma.
"Ang bango." Giit ko paglapit niya sa'kin.
"Ah, yung milktea ba? Salamat." Tugon niya sa'kin at ngumiti. Naasiwa ako tuloy. Bosit! Ikaw yung tinutukoy ko, hindi yung milktea!
"Ba't ka natatawa?" Nagtataka siyang nakatingin sa'kin.
"Wala, ang pogi mo kasi." Bulong ko pero parang narinig niya. Tumawa siya at marahan akong tinabig.
"Karlo talaga! Bigay mo nalang 'to kina Ciel." Inabot niya sa'kin yung mga milktea, Kinuha ko 'to at dali-daling pinuntahan si Ciel dun sa pinag-paradahan niya ng sasakyan.
"'Yon! Tagal n'yo ah! O, bayad ko." Bungad sa'kin ni Ciel at kinuha ang plastic. Baliw talaga 'to, dapat nga siya ang kukuha ng order niya e!
"Sira! Inayos pa kasi namin yung stall. Baliw talaga yung nauuna sa shift e, 'di marunong maglinis."
"E 'di sabihin mo sa boss n'yo! Mga abusado na, e." Sagot naman niya sa'kin at ininom na yung milktea. 'Di muna ako umalis, hinihintay ko reaksyon niya. Aba, si Eugenio ba naman gumawa ng milktea! Kailangan kong malaman!
Sumisipsip pa siya, at unting-unti nanlaki mata niya. "Oy, ang sarap ah." Napatakip siya ng bibig niya, at uminom pa ulit.
Nagningning ang mga mata ko. "Talaga?!"
"Oo. Sino gumawa?"
"Grabe ha! Porket masarap?!" Protesta ko kahit hindi naman talaga ako ang gumawa.
Humalakhak siya. "'Di, seryoso. Masarap. 'Di ba kuya?" Lingon niya sa drayber niya na tumango. Binaba niya rin ang milktea sa'kin. "Ito o, tikman mo."
Lumayo ako. "Indirect kiss? Kaderder!"
"E 'di 'wag! Arte mo talaga." Bawi niya at ikinatawa ko. Umalis naman din siya pagkatapos, at bumalik na ulit ako sa stall para matulungan ko si Eugenio.
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?