Chapter 3: Binder ni Karlo

69 11 1
                                    

Natawa si Ciel sa tabi ko.

"How interesting naman." Ngisi niya sakin at napatakip nalang ako ng mukha ko. Bakit ako nahihiya?! So, ano naman kung magkaparehas kami ng pangalan?

"Ano ba." Mukmok ko.

"Wait, talaga?" Tanong ng professor namin habang nanlalaki ang mata. "As in Carlo with a C or- "

"Carlo with a C." Nakangiti niyang tugon. "Bakit n'yo po natanong?"

Natawa si professor. "May isa dito, Karlo ang pangalan. With a K."

"Talaga po?" Ba't parang masaya pa 'to? "Saan po siya?"

Tinuro ako ng teacher, at dahil shy type ako, nagtago ako sa bag ni Ciel.

"Lumabas ka nga." Hila ni Ciel sa bag niya, but no! I can't let go! Nahihiya ako!

Nagtawanan ang lahat sa room na lalo kong ikinahiya. May lupa ba dito? Baka p'ede pang magpalamon!

Pero God, gusto ko pa siyang makita! Bahagya kong binaba ang bag at binuksan ang aking left eye, bombastic side eye, tamang silip lang gano'n.

And then, my heartbeat stopped.

He's staring at me, and there's light in his eyes. Mukha siyang masaya na nakita niya ako. Normal ba ang ganyan na tingin? Parang matagal na kaming magkakilala.

Lumapit siya sakin. "Ikaw pala 'yan!" Masaya niyang sambit, at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napakamot ako sa batok ko. "Hehe, hi."

"Ahm, ano, p'edeng bang- " sumignal siya sa katabi kong upuan, e kaya lang nakaupo na do'n si Ciel. Buti nalang, na-gets agad ng hinayupak yung sinasabi niya.

Tumayo si Ciel. "Sige na, upo ka na dito. He's all yours."

Hoy!

Nagtilian ang mga kaklase namin, may mga pumapalakpak pa.

Tumawa siya kay Ciel, at umupo na sa tabi ko. Holy sheet, ano ba!

"Hello," tinanggal niya ang facemask niya bago siya ngumiti sa'kin. Posa, kung may iniinom akong tubig panigurado nabilaukan na ako!

"Oy, haha, hello." Bakit ang awkward ko bigla? This is not me!

"Kamusta kapatid mo?"

"Ay, si Theo? He's doing great! Super duper great." Nag-thumbs up ako.

Ngumiti siya. "Salamat pala do'n sa binder."

"Binder ba kamo? Ano ba, sis! No problem!"

"Actually, kaya ko siya kinuha," binuksan niya ang bag niya at tsaka ipinakita ang binder. O, pak, good as new pang tignan. "favorite ko ang color purple."

Natigilan ako. "Weh?!"

"Oo nga!"

"Itong lalaking 'to!" Hinampas ko siya. "Favorite ko rin yo'n e!"

"Ha?!" Bulalas naman niya. "Joke 'yan?!"

"Hindi! Mukha ba akong nagbibiro?!" Dinutdut ko ang binder. "Bakit ko pa pipiliin 'yan kung hindi ko gusto ang purple?"

Humalakhak siya. "'Di kapani-paniwala!"

"Sus! Bahala ka diyan." Talikod ko.

"'To naman e," hawak niya sa balikat ko. "Nagbibiro lang naman."

Ngumuso ako. "Akin na nga 'yan. Sa'yo nalang 'tong black." Hablot ko nalang sa binder niya, kaya hayun, nagtatawa siya sa tabi ko.

Sa ilalim ng facemask ko, patago akong napangiti.

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon