Mahina kaming kumatok at 'di na kami nag-antabang maghintay pa na may sumagot. Si Eugenio na ang nagbukas ng pinto at sumunod kami nina Theo.
Grabe, bumigat na naman ang dibdib ko. May dede na ba ako? Gan'to pala feeling ng mga babae 'no!
Nakahiga lang ang lolo ni Eugenio, wala pa namang mga aparatus and other such na nakadikit sa kanya, a sign na maganda pa ang kondisyon niya. Mahimbing pa ang tulog niya, namulat lang ang mata niya nung pumasok kami.
"Carlo," giit niya kaya naurong ako. Shet naman sis, akala ko ako ang tinawag!
Nilapitan siya ni Eugenio at hinawakan ang kamay niya. Marahan niya itong inilapit sa noo niya at nagmano. Gano'n din ang ginawa ko nung lumapit ako sa lolo niya.
"Theo, bless ka." Senyas ko sa kapatid ko na sumunod naman.
Isang ngiti ang kumurba sa labi ng lolo ni Eugenio. Nanlambot tuloy ako. Shet, may something sa ngiti niya! Mahina na siya, nangungulubot na ang complexion niya pero may bagay na calming sa hitsura niya. Iba talaga ang awra ng mga oldie, ano!
"At sino naman ang gwapong lalaki na 'to?" Mahinhin niyang tanong.
Aba!
"Ay, lolo," pakunwari akong nag-flip ng imaginary hair ko. "you mean sino ba ang magandang 'to!" Kinendeng ko pa ang bewang ko. Harhar, bakit ba!
Natawa siya sa'kin. O, 'di ba! Wala kayo sa alindog ko!
"Ikaw talaga." Pinitik ako ni Eugenio sa noo kaya napangiwi ako. Grabe ha! Nakangiti naman siya, so okay, all is forgiven na.
Kay lolo naman siya tumingin. Hala, lolo ba naman agad ang tawag ko?! Char.
"Lolo, siya si Karlo. Kaibigan ko." Introduce niya sa'kin. Aray sis, medyo nasaktan ako sa term na kaibigan ha. Pero naiintindihan ko naman.
Tumawa ulit si lolo. "Karlo? 'Di ba ikaw si Carlo?"
"With a K po kasi siya, 'lo. Ikaw naman e."
"Ikaw si Carlo," turo niya kay Eugenio, at sa'kin naman siya humarap. "at ikaw naman si Karlo?" isang malaking ngiti ang nasa mukha niya. Halatang tuwang-tuwa sa mga pangalan namin, o.
"Opo, 'lo."
Tumawa ulit siya with matching hawak sa kumot niya. Higpit ng hawak, ah. 'Di naman halatang enjoy na enjoy siya sa'min?
"Sino naman ang bata na 'to?" Tingin niya sa kapatid ko.
"Kapatid ko po, lolo. Toddler pa lang." Ngiti ko at inilapit si Theo sa kanya.
"Ayos lang na hawakan ko, apo?"
"Opo."
Umupo siya mula sa pagkakahiga para mas maging komportable siya. "Musta ka 'nak?" Sambitla niya at hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Tumingala naman sa'kin si Theo habang nanlalaki ang mata. Parang tanga.
"Kuya?" Giit niya habang nakatingin sa'kin. Grabe naman ang batang 'to, walang tiwala? 'Di naman siya sasaktan ni lolo e!
Tumango lang ako at hinaplos ang ulo niya. Reassurance, gano'n. Palibhasa ngayon lang siya nakakita ng matanda. Tumingin ulit siya kay lolo at hinawakan siya pabalik. Umupo na muna kami nina Eugenio. Binaba ko muna sa maliit na mesa ang binili naming mga prutas. Sa bayong ko nilagay para mas sosyal tignan. Marami-rami rin kaya yung mga pinamili namin!
"Ang cute naman ng batang 'to. Kamukhang-kamukha ng kuya niya." Saad ni lolo kaya nabalik ako sa ulirat.
Naasiwa ako. "Lolo naman!"
"Kailan pa kayo nagkakilala ng apo ko?"
"Ano, 'lo, nung mga last month or something pa lang. Magkaklase kami sa school at magkatrabaho."
"Totoo?!" Nanlaki mata niya. Pinaupo niya si Theo sa kama niya. "Parang 'di na kayo naghiwalay ah."
"Ay lolo, so true." Humahalakhak ako.
"E apo, kamusta ka naman sa bago mong school?" Lingon niya kay Eugenio.
"Masaya naman 'lo, marami naman na akong naging kaibigan do'n."
Ngumiti siya. "Mabuti naman. 'Wag mong aapihin si Karlo ha?"
Kumunot ang noo naming dalawa. "Lolo?"
Sinuklay niya lamang ang buhok ni Theo at 'di kami pinansin.
"Madalas palang pumunta dito si Athena, apo. Hinahanap ka." Saad niya bigla makalipas ng ilang minuto.
"Ano?!" Bulalas ni Eugenio na nagpalundag sa'kin. Hayop na 'yan, sis! Gulat naman ako sa'yo!
This time, sumimangot na si lolo sa kanya. Hala! "Carlo, 'wag mong sabihing nag-iiwasan pa rin kayong dalawa? Nag-usap na tayo tungkol dito, apo."
"Binibisita na kayo ni Athena? Kailan pa?" Agarang tayo ni Eugenio.
"Ba't parang galit ka?" Nagsalubong ang kilay ni lolo.
"Hehe, magbabalat lang ako mansanas." Banat ko at tumayo na. Nope! Sensitive topic 'to mga sis!
Tinalikuran ko sila at kinuha yung kalahating kilo ng mansanas mula sa bayong. May extra kutsilyo naman dito sa loob ng kwarto kaya 'yon ang ginamit kong pangbalat. Syempre makikinig ako sa usapan nila. Chismosa ako e.
"Kailan pa siya pumupunta dito, lolo?" Tanong si Eugenio.
"Nako, ngayong buwan lang. Bumibisita siya at kinakamusta ka."
Narinig ko na lamang na umuugong si Eugenio at parang naglalakad nang paikot sa loob ng kwarto. Sino ba si Athena? Baka long-lost relative nila.
"Aba Carlo, kung ganyan ang iaasal mo e magkausap na muna kayo. Nababawasan ang pogi points mo d'yan sa kaibigan mo."
Sheet! Nadulas ang kutsilyo ko, buti nalang 'di ako nahiwa! Namula agad ang mukha ko. Ang suggestive naman kasi ng sinabi ni lolo! May alam na ba siya tungkol sa'ming dalawa?
Sinukbit ko ang bangs ko sa tenga ko at pakunwaring walang napapakinggan sa pinag-uusapan nila.
Marahang natawa si Eugenio. "Lolo naman e.. kahit naman ako e hindi maintindihan ang ugali ni Athena."
"Nako apo, 'wag mo na akong tanungin tungkol d'yan sa love life mo. Matanda na ako! Hindi ako magaling diyan. Kita mo nga at iniwan ako ng lola mo."
"'Lo, namatay lang siya sa katandaan."
"Kahit na! Akala ko ba magkasama sa hirap at ginhawa?"
"Till death do us part kasi, lolo."
"Wala sa panata ko 'yan!" Hampas niya sa kama niya kaya natawa silang dalawa. 'Di ba mag-aaway na sila kanina?
Nilagay ko na ang mga nabalatang mansanas sa plato. Hiniwa ko sa maliliit ang mansanas bago ako dumiretso sa kanila.
"Eto mga 'te, mansanas." Alok ko at kumuha si lolo.
"'Nak, gusto mo?" Subo naman niya kay Theo na agad namang kinain. 'Tong batang 'to e! Kahit ano ang ibinigay kinakain! Lagot siya sa'kin mamaya!
"Salamat pala 'nak at napadalaw kayo dito." Tugon niya sa'kin at bumuntong-hininga. "Karlo, Alam ko na malalim na ang pinagsamahan n'yong dalawa. Dahil itong apo ko? Ikaw pa lang ang pinakilala sa'kin sa mga naging kaibigan niya." Saad niya kaya napangiti ako. "Sa buong buhay ko, nako! Tanging girlfriend niya lang ang dinala niya sa tahanan ko."
Girlfriend?
Muntikan ko nang mabitawan ang plato. Nag-somersault 'ata ang sikmura ko.
Agarang akong lumingon kay Eugenio na namutla ang mukha.
"Lolo!" Ugong niya. "Wala na kami!"
By then, that's when I realized.
Sa muli, sumikip na naman ang dibdib ko. Mababasag ko na ang plato dahil sa higpit ng hawak ko.
Ang rason kung bakit ayaw makipag-relasyon sa'kin ni Eugenio.
May ex siya. At hindi niya magawang bumitaw.
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?