Nagising ako in a really wide field of dandelions. Ba't ako napunta dito? Tinakwil na ako ni mama?
Chariz, nasa ibang bansa nga pala siya.
Tumayo ako at nagpagpag ng negative energy. Nakailang ayos pa ako ng buhok ko kasi napakalakas ng hangin. Ano ba sis, climate change yarn?
Inayos ko ang mga bulsa kong lawit tsaka nagpalakad-lakad sa mga dandelions. Hinipan ko pa nga ang iba, pero laging may natitirang bulaklak.
Lakad-lakad pa rin ako until na may nakita akong pamilyar na pigura ng tao. Biglang bumilis ang heartbeat acceleration ko at naramdaman ko ang pagpaltog ng aking left artery at papunta na ito sa aking cerebellum- charing! Pero oh my gosh!
Si kuya pogi!
Nakatalikod siya, nakapamulsa at parang may tinitignan, feeling nasa isang music video gano'n. Hinahanap mo ba ako kuya? Ako na ang kasagutan sa paghihirap mo!
Tumakbo ako sa kanya nang parang yung lalaki sa Temple Run. Talon! Slide! Dapat hindi ako mahuli ng unggoy!
At last, napuntahan ko na rin si pogi. Nag-lipbite ako bago siya kinalabit sa balikat.
"Hello koyah," I said in the most malanding way possible. He turned his heel and nanlambot ang binti ko. Ba't lalo siyang pumogi?!
Ngumiti siya sa'kin, kaya of course, kinilig ang sissy n'yo. Hinawakan niya ang aking kamay.
"Magpo-propose ka na?" Sigaw ko. Natawa siya.
"Hindi, hindi. It's something else." Nalumanay ako. Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?
He starts pulling me closer, and my body's heating up. Malapit na akong tumili rito! I closed my eyes na. Kiss mo na ako, dali!
Nage-expect ko ng malambot na labing dadampi sa lips ko, pero bigla akong may nakapa. Matigas, parang tubo, at mahaba … at yung kamay ko, parang spaghetti, pababa nang pababa …
"Pota?! Bastos ka ah!" Biglang bawi ko sa kamay ko. Nanlalaki ang mata ko. Nawala ang kilig ko ng parang bula. Namumuro akong tumingin sa kanya.
Ngumisi siya sa'kin, at lalo akong nandiri.
"Tangina mo, hoy, d'yan ka na lang!" Tumalikod ako at padabog na umalis dun sa dandelions-garden-kemerut na 'yon. Malason sana siya sa mga halaman do'n!
Nandidilim ang paningin ko to the point na hindi ko napansin may nakaharang pala na puno sa harap ko. Nauntog ako at nawala sa wisyo.
***
"Aray!" Daing ko at napadilat ng mata. Nasa loob ako ng attic slash kwarto namin nina Theo. Apartment lang ang tinitirhan namin, pero dalawa ang flooring. Simple lang ang set-up ng kwarto na tinutulugan namin. Aparador, plantsahan, at mattress para sa aming magkapatid. Katabi ko siyang laging matulog.
"Kuyaaa!" Maiyak-iyak akong tinignan ng magaling kong kapatid. "Sorry poooo! Masakit?" Sampal niya sa mukha ko. Naaawa pa s'ya niyan ha?!
"Baliw ka talaga. Oo! Napakasakit! Naninipa ka naman 'no?!" Kasura talaga 'tong si Theo, ang likod matulog! Istorbo sa panaginip ko!
"Sorry!" Humihikbi na siya.
"Sus, 'wag ka na umiyak." Bumangon na ako at kiniling siya. Bumaba kami sa hagdan. Actually napaka-tirik ng hagdan namin, 'pag hindi ka nag-ingat si kamatayan na ang kaharap mo.
"Upo ka lang d'yan, handa na ako ng almusal natin." Giit ko at dumiretso sa labas. As usual, bumili ako ng lugaw para sa amin. 'Yon lang naman ang mura ngayon e. In this economy? Hays!
'Pag napakain ko na si Theo, didiretso na ako sa school. It's my second-year na as a Tourism student. Syempre, future flight attendant lang 'to!
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?