Chapter 10: Karlo's Free Will

43 8 4
                                    

Banas na banas ako pagpasok ko sa loob ng school. Fresh na fresh pa rin sa utak ko ang pinag-usapan namin nina Theo kagabi.

Okay na sana yung Mickey Mouse, tutal isip bata pa siya. Pero binanggit ba naman si Ian? Ano bang pinakain ng animal na 'yon sa kapatid ko at hindi siya makali-kalimutan?

"'Te," hatak ko sa bag ni Ciel. "sa'ng section ba nalipat si Ian?"

"Section A9 daw. BHSM na kurso niya." Kibit-balikat niyang sagot. "Baka nga pala magkita kayong dalawa mamaya, balita ko ipagsasabay ni mam ang BT at BH sa subject niya."

"Pota, sa Ethics?!"

"Oo nga!" Singhal ng babaita. "Wala e, maghahabol ng lessons. 'Di ka pa nasanay."

"Iniiwasan ko nga ang lalaking 'yon e!" Hila ko sa buhok ko.

"Ba't ka kasi nakipag-break?!"

"E ang jejemon n'ya kaya! Tsaka masyadong possessive!"

"Kasalanan mo 'yan! Pinatulan mo e!" Duro niya at dumiretso na sa classroom. Sinundan ko nalang siya. Kaya lang paglapit ko sa pinto, nakarinig ako ng tumutugtog ng gitara. Ang pamilyar, nakakaantig. Mahina ang tunog ng mga kwerdas pero tila nabibingi ako.

Jopay, kamusta ka na? ♪

Naalala ko na naman. Yung boses niya, umaalingawngaw kahit na natatakpan siya ng pintuan. Ang lakas ng pintig ng dibdib ko.

Naalala ko na naman siya.

Palagi kitang pinapanood, nakikita ♪

Nanuyot ang labi ko. Shet, Karlo, kumalma ka! Baka nag-iimagine lang ako. Wala talaga siya do'n sa loob ng classroom.

Wala si Ian.

Ang tagal ko siyang iniwasan. Ayokong makita siya ulit at bigla akong may maramdaman para sa kanya.

Hindi ko kaya.

"Ba't ka nandito?" Bigla kong narinig ang boses ni Ciel sa loob. Oh my god. Lumuwag ang dibdib ko. Tagapagligtas talaga kita Ciel!

"May restraining order na ba ako?" Sagot ng isa. Napantig ako sa boses niya. Anak ng pating, kahit sa boses niya naaalibadbaran ako!

Pumasok na ako sa loob. Nilakasan ko pa'mo ang pagbukas ng pinto para mapunta sa akin ang atensyon nila.

Kamot-ulo ako pagkatapos. "Uy, good morning." Para kang tanga, Karlo.

Sumulyap ako kay Ian habang tila nahagpit ang hininga ko. Mas mahaba na ang kachupoy niya ngayon, bagay sa hulma ng mukha niya. Kitang-kita ko rin ang pag-iba ng kulay ng buhok niya tuwing natatamaan ng araw. Hawak-hawak niya ang gitara niya. Parang tulad lang ng dati.

Hanggang ngayon, nabibighani pa rin ako.

Ian.

"Karlo! Halika dito." Biglang giit ni Eugenio kaya nabalik ako sa ulirat. Teka nga, kailan pa siya nandiyan?! Sinesenyasan niya akong umupo sa tabi niya, sa harap pa ni Ian.

Nanlalaking mata akong tinignan si Ciel, kaya mas pinandilatan ko siya ng mata pabalik. Hoy babae, tulungan mo ako!

Ngumuso lang siya kina Eugenio, tila parang sinasabi na sumunod ka nalang! gano'n. Hindi pa yata alam ni Eugenio ang nakaraan ko. Sasabihin ko naman e, tumetyempo lang ako. Nayayamot akong umupo sa tabi niya, at aligaga kong iniwasan ang tingin ni Ian sa'kin.

Tinignan lang kami ng mga kaklase ko. Kita mo 'tong mga 'to, mga nanonood lang! For your information, hindi ito teleserye! Baka popcorn gusto n'yo rin?

Tinaasan ako ni Ian ng kilay. Aba! "Siya ba ang sinasabi mo, Carlo?"

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon