Chapter 16: Unggoy

17 3 0
                                    

"Kuya?"

"Kuyaaaaa."

"Kuya!" Biglang sabunot sa'kin ni Theo kaya nagising ako.

"Ay unggoy!" Bulalas ko sabay bangon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa kwarto pala ako namin nina Theo.

Wala akong pasok ngayon kasi apparently may holiday. Bumuntong-hininga na lamang ako at ginusot-gusot ang buhok ko. Makati na mata ko, masakit na ulo ko, naistorbo pa ang tulog ko.

Kung ako ang tatanungin, hindi maganda ang nangyari kahapon sa ospital. Nakakainis, sobra! Excited pa naman akong ma-meet nina Eugenio at ng lolo niya ang kapatid ko! Mataas ang expectations ko 'te, pero napunta lang sa wala!

Sino ba kasi ang Athena na 'yon? Epal ka sa love story ko!

In the end lumabas na lamang kami ng kwarto. Todo paumanhin sa'kin si Eugenio dahil hindi naging maganda ang pamamanhikan namin. Charing! Pero pagkatapos no'n, pinaalis na lang niya kami ng ospital.

Sinong 'di maiinis, 'di ba? I can't understand my emotions. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako o ano. Para kasing tinaboy niya ako.

I chose him. Pinili ko siya dahil sa kanya ako nasisiyahan tapos gan'to ang mapapala ko? Eugenio is strange- hindi, mali. Ang secretive niya. I'm willing to take chances and be patient pero hanggang ngayon 'di ko pa rin siya kilala. And it hurts me dahil I have been making efforts para mas lalo kaming magkalapitan.

Ayos lang naman to be lenient tungkol sa drama ng pamilya mo. Pero ito ang bagay na hindi ko matanggap.

Hindi ko alam na may ex siya.

Nalaman niya ang tungkol kay Ian, so bakit hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol kay Athena? Hindi lang naman kami situationship ah?

Masyado ba akong naging komportable?

Have I fallen too deep for him?

"Kuya!" Biglang hila ni Theo sa braso ko. "Gutom na ako!"

Humugong ako at sinapol ang mukha ko sa kama. Ayoko nang isipin! Bumaba na kami nina Theo sa hagdan. Kinuha ko siya ng matinong damit dahil balak kong sa labas na lang kami kumain. Pagkalaon dadaan ako sa grocery sa tabi-tabi. Kakapadala lang ni mama ng pera e, kaya magre-restock na ako ng pagkain namin.

Kumain kami sa lugawan at pumunta na sa Alfamart. Namamahalan pa rin ako sa mga tinda dito pero napakalayo pa naman kasi ng palengke, so tiis-tiis nalang. At tsaka libre yung aircon 'no. Harhar!

Namili na ako ng mga delata at binilan na rin ng gatas si Theo. Pati yung mga iba pang pagkain binili ko na rin para isang bagsakan nalang. Dumiretso naman ako sa mga inumin at hinanap yung paborito kong mountain dew nang may tumawag sa'kin.

"Karlo?" Nanigas ako bigla sa boses niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon for dramatic effect.

"Oy, Ian ikaw pala." Sagot ko at binigyan siya ng tagilid na ngiti. Ang tinis ng boses ko! Ba't gano'n? Sa lahat ng taong makakabunggo ko ngayon, hindi ko inaasahang siya pa ang makikita ko!

"Kuya Ian!" Sinang ni Theo sa kanya at tumakbo para yakapin siya. Nahagpit ang hininga ko dahil sa lumalahad na pangyayari sa harap ko. Para akong sinaksak. To think na malapit pa rin silang dalawa sa isa't-isa kahit na inalis ko na siya sa buhay ko. Nagulat naman din si Ian sa ginawa ng kapatid ko, pero nginitian na lamang niya ito ng mapakla at ginulo ang buhok.

Parang dati lang.

Pagkalaon, sa'kin naman lumapag ang paningin niya. Ang tigas ng ekspresyon niya. Sorry na 'te, all is good naman between us 'di ba?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hayop 'to! Randam na randam ko ang titig ha! On instinct, tinakpan ko ang dibdib ko.

Marahan siyang natawa dahil sa ginawa ko. Anong tinatawa-tawa mo? Manyak!

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon