"Hayan, nagseselos na ang gaga!" Salubong sa'kin ni Ciel pagpasok ko sa gate. Banas ko siyang tinignan habang pinapagpag ang damit ko. Ang dumi ng natyempuhan kong tricycle e.
Sumali sa'min si Zinjie na nakasimangot na. Sorry na 'te, istorbohin ko muna date n'yo ha? "Sinabi mo na agad kay Karlo?" Tanong niya.
Kibit-balikat si babae. "Ano gusto mong gawin ko? Iba na ang tinginan nilang dalawa e."
Suminghap ako at agarang hinawakan si Ciel sa magkabilang balikat niya. "'Te?! Totoo ba 'yan, baka pinagti-tripan mo lang ako!"
"Ba't ko 'yon gagawin sa'yo? Ilang taon na tayong magkaibigan, ha?!"
Sasagot pa sana ako pero pinaghiwalay na kami ni Zinjie. "Ano ba!" Bulalas niya. "Karlo, magpakatotoo muna tayo. Kilala mo na ba yung Athena?"
"E putangina," mura ko na. Hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko. "ba't n'yo ba kilala ang hayop na 'yon?!"
Naurong silang dalawa sa pagsigaw ko. Galit na galit ako! Eugenio, akala ko ba kailangan mo lang ng panahon para sa ating dalawa? Wala kang sinabing ipagtatabuyan mo ako at gagawing tanga!
"Karlo," malumanay na tugon ni Ciel. "Sorry na. Hindi namin kilala si Athena. Nalaman ko lang kasi nakausap ko ang isa sa mga teachers." Lumapit siya at marahang pinisil ang balikat ko. "Magta-transfer si Athena dito. Tinanong kita kasi ikaw lang ang ka-close talaga ni Eugenio."
"Kilala ko.. kilala ko siya." hikbi ko na. Napaupo ako sa mga bench na nasa tabi ng gate. Tinakpan ko ang mukha ko at unting-unti nang tumulo ang luha ko.
Naramdaman kong pinalagitnaan ako ng dalawa.
"Ex siya ni Eugenio." Umamin na ako.
Suminghal agad si Zinjie. "Gago?"
Napauhog ako. "'Di ko pa naman siya nakikita, pero nabanggit siya dati ni Eugenio." Sinungaling. Kahit kailan ay hindi ako pinagkatiwalaan ng lalaking yo'n. Kahit kailan, hindi ko siya nakilala at hinding-hindi ko na siya makikilala pa.
"Tangina, e 'di pinatulan niya ulit?" Mura na naman ni Zinjie. Isang higpit na buntong-hininga ang kumawala sa kanya at pinagkrus ang magkabilang braso. "Pasalamat ka at 'di 'to alam ni Ian, Karlo."
"Wala akong balak na sabihin sa kanya. Gusto mo bang dumanak ang dugo dito?"
"Naging kayo na ba ni Eugenio? Kasi Karlo, may karapatan kang harapan siya tungkol dito." Nababalisang tanong ni Ciel. Pero hindi ko na narinig pa ang sunod niyang sinabi maliban sa unang salitang binitawan niya.
Naging kayo na ba ni Eugenio?
Humagulgol ako. Hindi. Hindi niya ako sinagot nung nanatili kami sa bahay ni Ed. Hindi niya ako binigyan ng matinong sagot. He let me in his walls, hinayaan niyang makakita ako ng kapiraso ng tunay na siya, pero agad niya rin akong pinaalis.
Hindi naging kami.
Wala akong karapatan para isukbit siya sa'kin.
No matter how hurt I am, wala akong magagawa.
"Shet naman, Karlo, tahan na." Himas ni Ciel sa balikat ko habang si Zinjie naman ang nagpunas sa mukha ko gamit yung panyong 'di ko alam kung saan niya kinuha.
"Par, kailangan na naming bumalik sa basketball court. Titignan pa namin yung martsa."
"Nando'n ba si Eugenio?" Tumigil ako pansamantala at tinignan sila. Nagkatinginan naman silang dalawa.
Umiling si Ciel. "Kanina pa sila umalis."
Tumayo ako. "Sasama ako. 'Di ko pa kayang umuwi." Giit ko at 'di na sila nagtanong pa.
BINABASA MO ANG
I Love You So Matcha [COMPLETED]
RomanceTwo milktea part-time workers. Same shift, same classroom, and even the same name. Karlo, and Carlo. They both like a certain flavor of milktea, matcha. Will their feelings continue to bloom, and share their favorite drink in peace?