Resigned
Sometimes you just have to let it go lalo na kapag nahihirapan ka na. If you know what's the best for you then do it for yourself. Don't settle on something that you love but is not making you happy.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi umalis sa trabaho ko dahil nandito lahat ng kaibigan ko at masaya ako dito lalo na noong wala pang gulo na nangyayari. Kinailangan ko ngayon lumipat ng trabaho na pasok sa tinapos ko na kurso Bachelor of Science in Accounting para lumayo sa dalawang lalake na nag-aaway nang dahil saakin. Humingi ako ng tulong kay Aling Bebang dahil ang kaniyang anak ay nagtatrabaho sa sikat at malaking kompanya dito sa Pilipinas, balita ko din na maganda ang sahod at sapat para matustusan ang pangangailangan ng aking pamilya.
Gusto ko din na huwag mapagkamalan na Gold digger nang dahil lang may nanliligaw saakin na foreigner. Gusto ko din matupad ko pangarap ko na guminhawa ang buhay namin nila mama at papa ng walang ginagamit na tao, mababayaran ko na din si Loui sa pinampaayos niya ng bahay namin dahil ayoko din na magkaroon ng utang na loob sakaniya.
"Sure ka na talaga? Ayaw mo na saamin?" Tanong saakin ni Rogielyn.
"Hindi naman sa ganon, pero alam nyo naman siguro na hindi talaga sapat ang sweldo ko dito lalo na pinapa-aral ko rin ang dalawa ko na kapatid. At saka sayang naman yung course ko kung hindi ko gagamitin, pero salamat, naging masaya talaga ako sa trabaho ko na 'to dahil sainyo. Bibisita naman ako, para makipag kwentuhan tayo kahit minsan." Ang sabi ko para mabigyan sila ng assurance ukol sa pag-alis ko sa trabaho na ito.
"Huy bumisita ka talaga ah, or kung wala ka ng time para pumunta dito call call nalang tayo para may makapag share naman ako ng tea..", pabirong hirit ni Rogielyn samatalang yung iba ko naman na kaibigan ay nakatulala nalang sila sa kawalan dahil sa lungkot.
Natawa ako ng konti pero mas namumuo talaga yung lungkot sa dibdib ko noong panahon na yun.
Tuwing inaalala ko yung bawat oras, araw at mga pangyayari noon minsan tinatanong ko sarili ko kung paano ko nagawa ang lahat ng ito. Nakalipas na pala ang tatlong taon, at ilang taon na naman ako ngayon, ayoko ng bilangin.
"Ma'am may bisita po kayo." Paalam saakin ng isa ko na ka trabaho.
"Sino daw sila?" Tanong ko, "Loui Salviola daw po pangalan ni sir, ma'am." Ang sagot niya.
Nag-alinlangan ako sa narinig, pero minabuti ko na rin na papasukin siya. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil gusto ko rin malaman kung kamusta na siya paglipas ng ilang taon na wala akong balita tungkol sakaniya.
"Sammantha..", para akong kinilabutan nang marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Maagaan ang presensya niya ngayon at hindi katulad dati.
"Loui, kamusta?" Kasyual ko na pangangamusta sakaniya na medyo natulala pa sa hitsura niya at nakipag kamayan pa ng pormal na agad niyang tinanggap.
"I'm good, can I have a sit first?", sagot at tanong niya na siya kong kinagising. Para akong nataranta na igiya siya na umupo sa couch.
"Matagal na rin pala since last tayo nagkita? Diba?", panimula ko ng kwentuhan at medyo awkward pa nga dahil hindi ko alam kung paano siya harapin.
"Three years ago, yeah.. you suddenly disappeared," parang disappointed siya sa kaniyang sinabi. "I was actually here because I received a money transfer from your bank account. I am here to give it back." Ang sabi niya na ikinagulat ko, bago pa ako makapag salita ay pinigilan na agad niya ako.
"Sinabi ko na sayo noon pa na.. you don't need to pay me back for anything I gave to you," napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Nagkatitigan kami ng matagal bago siya mag-salita ulit.
"It's nice seeing you here, natupad mo na mga pangarap mo." He said, hanggang ngayon wala parin ako mabuo salita sa isip, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pakiramdam ko talaga tuwing kasama ko siya lagi akong nalulutang.
"I called you last weekend kaso 'di ka sumasagot. Inisip ko na baka busy ka so I planned coming here into your office to visit you personally." His gazed softened as he stare at me.
Sino ba siya? Siya na ba talaga 'to? Parang ang bilis ng oras pero ang dami agad niyang pinagbago.
"Ang dami rin nagbago sayo, saatin." Ang sabi niya na parang nababasa niya nasa utak ko.
Bumuntong hininga siya at sumandal sa couch. "I really wanna kiss you so bad and say I'm so proud of you but I don't want to push our boundaries kasi baka mawala ka na naman bigla." Sabi niya na parang hirap na hirap siyang magpigil.
"If you're wondering if I am still the crazy boyfriend you had back then, I just want you to know that I am taking my medication really seriously with also some help with my therapist." Ang sabi niya habang nakatitig saakin.
Sa pagkakataon na ito ang puso ko nalang naririnig ko, sa sobrang lakas parang mabibingi na ako. Ganyan na ganyan ang titig niya saakin, na parang mahal na mahal niya ako, na para bang ako lang importante sa buhay niya ngayon.
"Uhh.. kamusta na pala yung bunso mo na kapatid?" Iyan ang una kong naitanong sakaniya para ibahin ang usapan, parang hindi ko pa kaya pag-usapan ang tungkol saamin.
"She's fine.. but sometimes she keeps saying your name out of the blue, she was still a baby when you last seen her but I think she remembers you." napatango ako sa sinabi ni Loui, namamawis na ang kamay ko at hindi ko na alam kung paano ipapagpatuloy ang kwentuhan namin.
"You can visit her, if you want?" Suhestiyon niya.
"She misses you too, but not as much as I miss you."
Ang huli niyang sinabi bago natapos ang kamustahan namin dahil may biglang tumawag sakaniya, ang sekretarya niya na hinahanap siya dahil may importante silang meeting kasama ang mga kliyente. Umalis siya kaagad at nang kinagabihan hindi na naman ako makatulog.
Tumunog bigla ang cellphone ko at may pumasok na isang text mula sa isang number."Are you available by this coming Saturday? I will book us to your favourite restaurant in Quezon city, if you agree." Ang sabi sa text at kilala ko na agad kung sino ito.
BINABASA MO ANG
OBSESSION
Roman d'amour(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...