Hate
WHAT is really the meaning of this? Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Kaya ba niya binigay itong condom na may address niya para don kami magsex? May galit ba siya sakin dahil nakipagbreak ako sakaniya?
Hindi ko inaasahang magkakaganito siya pagkatapos kong makipaghiwalay sakaniya, yung ginawa at sinabi niya saakin nung nakaraang linggo nakatatak parin sa isipan ko,halos gabi-gabi akong umiyak. Sana bumalik siya sa dati kahit walang kami, sana bumalik yung Respeto niya saakin bilang babae.
"Ate kakain na daw sabi ni mama.." nagmadali akong nagpunas ng Luha nang biglang Sumulpot sa Entrada ng kwarto ko ang nakababata kong kapatid na si Tonton. Pumangalawa ito saakin pero malaki ang agwat naming dalawa, 14 years old palang ito pero hindi katulad ko ay hindi ito kailanman huminto sa pag-aaral dahil simula nang tumuntong ako ng 11 ay nagsimula na akong magtrabaho. Natutuwa ako dahil nag-aaral ito ng mabuti hindi katulad ng ibang bata na puro paglalaro ang inaatupag. Siguro dahil sa pagiging mahirap maaga din na nagmature si Tonton, ni ayaw na rin niyang tinatawag siya sa pangalan na tonton.
"Pakisabi nalang kay mama magbabaon nalang ako, malelate na rin kasi ako sa trabaho. Maliligo na ako, mauna na kayong kumain." sabi ko kay tonton habang Inaayos ang mga dadalhin kong mga gamit. Nagdala rin ako ng extrang damit in case na maasign ako bilang waiter.
Napansin kong bumalik na rin ang kapatid ko sa kusina, iniisip ko kung pagtatrabahuhin ko rin ba ang mga kapatid ko pero siguro wag nalang baka maaga silang maistress katulad ko, hahayaan ko nalang silang magenjoy sa pagiging bata nila.
Ganoon nalang ang gulat ko nang biglang may magmessage saakin, mula iyon kay Mr.Salviola. Hindi siya nagpalit ng number niya mula noong magkakilala kami pero pinalitan ko na iyon ng Mr.Jonahtan Loui Salviola noong maghiwalay kami. Kahit papaano nandoon parin ang mga dati naming kwentuhan pero hindi ko na iyon binabasa masyadong masakit para balikan pa ang nakaraan na lumipas na.
From Mr.Jonahtan Loui Salviola :
Where the fuck are you?
Sa nakalipas na isang linggo puro ganyan ang mga mensahe niya saakin. Hindi ako nagrereply dahil paniguradong magsasawa din siya.
From Mr.Jonahtan Loui Salviola :
When will you come? I'm waiting woman.
Hindi rin ako nakapagpigil, binlock ko siya para matigil na ang mga kahibangan niya. Wala na akong pake kung magalit siya ang importante ay hindi ako maistress dahil iyon ang payo saakin ni Ms.Perez. Agad akong nagasikaso at bago umalis ay nagpaalam ako kay mama at sa mga kapatid ko, napansin kong wala na si papa siguro ay nauna nang pumunta sa trabaho.
"Eyy! Goodmorning, blooming ka ngayon ah. Charot lang bakit namumula iyang mga mata mo?" bungad na bati at tanong saakin ni Rogielyn na naabutan kong inaayos na ang mga tables at chairs dahil maya-maya ay magsisidatingan na ang mga costumers dahil Linggo ngayon. "Wala napuwing lang kanina, ang bilis kasi ng tricycle kanina eh parang the flash." pabiro ko ding sagot habang inaayos ang sarili dahil halos tangayin ng hangin ang buhok ko kanina habang nasa tricycle ako.
"Hey ma'am welcome to Mcdonalds," Natawa naman ako nang biglang sumulpot si Ralph mula sa kusina, ganyan sila kapag nahahalata nilang malungkot ako.
Napangiti naman ako nang sumulpot din si Justin na agad na binuka ang mga braso para yakapin ako, niyakap ko din siya at hinele pa niya ako. Sila ang mga The best ka work mates ko dito. Alam nila ang estado ko sa buhay kaya kinocomfort nila ako palagi.
"Magbihis ka doon baby girl dadating na yung nga costumers." Ani nito na alam kong natuwa dahil ngayon ko lang siya niyakap pabalik. Don't get me wrong may pagkabakla din kasi ang isang ito.
BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romance(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...
