OBSSESION CHAPTER 15

166 5 0
                                    

NEW MANAGER

NAGTIPON-TIPON kami pagkatapos ng trabaho, mayroon na daw kasing bagong manager kahapon lang magswitch. Maraming nalungkot dahil nasanay kaming Si Mrs.Salazar ang laging nagaasikaso saamin palagi dahil ngayon daw ay 'gwapong lalaki' naman ang bagong manager, hindi pa namin siya nakita kanina dahil nakakulong lang siya sa office. Kahit noong pumasok siya ay hindi rin naabutan nila Rogielyn, tanging ang mga gwardya lang ang nakakita kaya nagkaroon kami ng ideya.

Ngayon daw magpapakilala ang bagong manager kaya ngayon din ay hinihintay namin siyang lumabas sa Office niya. Maaga rin kaming nagsara para sa meeting na ito pero hindi naman nakakpanghinayang dahil malaki na ang mga nakuha naming mga tips mula sa mga cotumers.

Naging malikot ang mga kasama naming ibang babae nang umawang ng kaonti ang pintuan, pilit nilang sinisilip iyon mula aa kinauupuan nila kahit mukhang madilim sa loob.

Nakakabagot lang dahil parang nahihiyang lumabas ang bagong manager, kahit ang mga katabi ko ay todo reklamo sa pagiging mabagal ng bagong manager. Hinihiling ko na sana ang maging mabait ang bagong manager saamin o kahit kasing level na rin ni Mrs.Salazar na masungit pero maalaga.

Napaayos kami ng upo ng dahan-dahan na bumukas ang pinto at lumabas doon ang gwapong lalaki, Matikas ang pangangatawan at magaan ang awra nito mukhang mabait nga. Nahihiya siyang ngumiti saamin habang nilibot ang paningin sa aming lahat hanggang huminto ang paningin nito sa babaeng nasa likuran ko.

Rinig ko ang impit nilang tilian na hindi ko naman masisi dahil gwapo nga ang bagong manager pero mas gwapo si Loui.

"Uhh.. Hi? Everyone, I'm Constantine Julio V. Maceda and i will be your new manager for 4 years.. hopefully?"

Para siyang nagrereport dahil sa paraan ng paggalaw ng kamay niya. Hindi ko sigurado kung nakatingin ba talaga siya saakin o sa mga babae sa likuran ko, Hindi ko nalang pinansin iyon saka patuloy na nakinig sa speech niya.

"And since I'm new here.. I badly wanna know all your names starting from you Miss." nagulat ako nang ako ang ituro niya, ngayon ko lang napansin na nasa unahan pala ako. Ito yung pinakaayaw ko sa lahat yung magpapakilala ka.

Nilakasan ko nalang ang loob ko dahil ginagawa rin naman namin ito sa school.

"Ako nga po pala si Maria Sammantha Trinidad, sir."

Lumaki ang ngiti niya at napayuko pa, maya-maya ay mahinang siyang tumawa umalog pa ang mga balikat niya saka napatakip pa ng bibig.

"Hindi mo ako naaalala noh?"

Nagpipigil siya ng tawa na habang nakatingin saakin, binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin habang sinusubukang kilalanin ang mukha ng lalaking ito. Wala akong maalalang nagkita o nagkakilala kami kung saan, kahit sa fb ata ay hindi ko siya friend.

"Junjun? Ako yung kinokotongan mo dati noong mga bata palang tayo!"

Unting-unting pumasok sa utak ko yung pandak na kalaro ko dati na kinokotong-kotongan ko lang kapag dumadaan siya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwalang tinignan siya, sinuri ko ang mukha niya mula buhok hanggang baba. Siya nga! Yung malapad niyang noo na natatakpan ng Bangs , at ang Mata niyang bilugan, pati ang medyo may katangusan niyang ilong na bumagay na ngayon sa Maninipis niyang labi na parang dati ay mukha lang siyang pugo pero ngayon na tinamaan siya ng puberty ay naging gwapo.

"JUNJUN PANDAK?!" Sigaw ko saka kami nagtatatalon habang magkayakap. Mas matangkad na siya saakin ngayon at mas mataas ang posisyon niya saakin na parang dati ginagawa ko lang siyang dantayan ng siko kapag nakatayo.

"Kamusta na? Laki mo na ah!" biro ko saka ginulo ang buhok niya nagtawanan lang kami bago ako umupo.

Tumingin kaming dalawa sa mga kasama naming mukhang walang kaalam-alam sa sinasabi namin kaya mas lalo kaming nagsitawanan. Nang maalala ko ang hitsura ni Loui kapag nagseselos ay mabilis akong lumayo kay sir Constantine, alam kong wala siya dito at tumigil na ang mga nagbabantay saakin pero nag-aalala parin ako na baka may makakita at akalaing may ibang akong lalaki maliban kay Loui tapos makakarating kay Loui at mabaliw na naman iyon sa selos.

Hindi naman nagtagal ang kwentuhan namin kasama ang mga kaibigan ko ay nagpasya na kaming umuwi, pero hindi na katulad ng nakasanayan ay sila Rogielyn at Ralph na ang magkaangkas, si Justine naman ay nagcommute dahil medyo malayo daw ang bahay niya dito hindi katulad sa bahay ni aling bebang na pwedeng magtricycle o lakarin lang. Sumabay din saakin umuwi si Sir Constantine na nangungupahan pala sa isang bahay na pinaparentahan ni Aling Bebang.

Habang naglalakad ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga ginawa at nilaro namin noong mga bata kami. Simula sa pagiging magkaaway namin sa Patentero dahil lagi siyang nandadaya, pati sa pag-aaway namin kung anong laro ang lalaruin namin kung chinese garter ba o Piko. Hanggang sa tapat ng bahay namin ay nagtawanan pa kami bago maghiwalay.

Pagharap ko sa gate ay nakasilip pala si Aling bebang habang sinusundan ng tingin si Sir Constantine, nagtitili pa ito bago buksan ang gate para makapasok ako.

"Gwapo talaga ng mga anak ni  kumpareng Marcos, manang-mana sa pinagmanahan!vKung dalaga pa ako eh.. baka ako na ang nanligaw diyan!" tinawanan ko lang si Aling bebang habang dirediretso kaming naglakad papasok ng bahay.

MABILIS na lumipas ang Apat na taon ay ganoon ang mga naging tagpo, hindi katulad ng kay Mrs.Salazar na tahimik lang kami madalas, ngayon ay mas masigla kaming Nagtrabaho dahil napakabait ng bagong manager. Binibigyan niya din kami ng Advise for Better service sa mga costumers at dahil doon ay mas malaki na ang mga nakukuha tips na nakatulong ng malaki sa Pag-aaral ko sa kolehiyo dahil mas dumami na ang mga projects kaya mas naging magastos kahit scholar ako. Hindi nagswitch ng manager dahil nagustuhan daw rito ni Sir Constantine.

Lumipas din ang taon pero ang huling natanggap kong mensahe kay Loui ay iyon parin. Hindi naman na ako nag-aalala dahil positibo akong maayos ang kalagayan niya roon, graduate na rin ako ng college ngayon pero parang ayaw ko din bitawan ang trabaho ko sapagkat malaki ang sahod ko kasama ang mga tips ng mga costumers. Nasa kolehiyo na rin Si tonton at nagwoworking student din siya sa ibang branch ng McDonald's kaya magaan na talaga ang pamumuhay namin ngayon.

Tuwing uwian din ang sabay parin kaming umuwi pero minsan sumasabay din sila Rogielyn, Ralph at Justin na hindi rin umalis sa trabaho dahil katulad ko ay nagustuhan na rin nila doon. Nakakapagipon din ako ng pera kahit pinag-aaral ko rin sa elementary si Grace dahil si papa ay bumalik na rin sa pagcoconstruction worker. Nakakabili na rin ako ng mga gusto kong damit.

Hinihintay ko nalang siyang bumalik, siya nalang ang kulang sa buhay ko. Ang kwintas na ibinigay niya saakin ang naging sandigan ng tiwala ko sakaniya na babalik siya.

"Hoy! Swimming daw tayo next week! May bagong bukas na resort sa Malapit!"

Patuloy lang sila sa kwentuhan habang ako ay napadpad ang paningin ko sa babaeng nakatayo sa malapit na may hawak na Camera. Kumunot ang noo ko nang magmadali itong umalis nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya, hindi ko na siya sinubukan habulin baka jornalist lang katulad ng mga college student na nakilala namin kanina.

"Samsam! Gusto mo ng milktea?" tanong ni Sir Constantine na may hawak na Isang Milktea. Tumango ako saka nagpasalamat. Sinulit namin ang buong araw na day off dahil libre din ni Sir Constantine ang ticket sa sine. Nilibot namin ang buong, hindi saakin bumitaw si Justin sa sinehan sa sobrang takot sa pinanood naming horror lumabas ang kabaklaan nito sa kakatili, minsan kahit hindi nakakatakot ang scene ay napapatili din ako sa lakas ng tili ni Justin.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon