OBSSESION CHAPTER 16 : STRANGER
"UYY maghahalf day ka talaga ngayon?Bayan!"
Natawa ako sa pagmamaktol ni Justin, simula ng gumala kami ay lumantad na talaga ang kabaklaan niya. Hindi na daw niya kasi mapigilan.
"Oo nga.. Birthday ng inaanak ko, magtatampo daw siya kapag hindi ako pumunta." sabi ko sakaniya habang inaayos ang gamit ko sa bag. Totoo ang sinabi ko, birthday si Kylister 3 years old na siya. Anak ni Ailyn. Nanganak siya three years ago nagbunga ng baby boy, napakagwapo pero mana sa magulang matampuhin at medyo salbahi pero sweet.
"Hayy.. so kami lang ni Sir Constantine amboring naman."
Napalingon ako sakaniya saka ininguso yung dalawang magjowa na naglilinis ng tables. Mas lalo siyang sumimangot saka palihim na tinarayan ang dalawa, "May date daw silang dalawa mamaya!Sila lang daw kaya wag daw akong umepal, mga bwiset!"
Tinawanan ko lang siya at tinapik ang balikat nito bago umalis, nagpaalam na rin ako kay Sir Constantine na ineentertain ang mga costumers para sa Valuable offers ng McDonald's sa Loyal costumers.
Dumaan muna ako sa murang bilihan ng laruan ng mga bata. Natagpuan ko ang Beach ball na laging itinuturo ni Kyle kapag nililibot namin ito ni Ailyn, hindi kasi mahilig mangspoiled si Ailyn kaya binibigyan niya lang ito ng mga gusto ng anak niya kapag may ginawa itong maganda o mabuti. Ayos lang naman siguro kung regaluhan ko ang inaanak ko, nangungulila din ang bata sa Ama niya na kahit ako ay hindi ko rin alam kung sino dahil ayaw sabihin saakin ni Ailyn lagi siyang naiiyak kapag sasabihin niya.
"Bakit ba kasi tayo nandito babe? Nakakainis ka naman eh! Toys? Ano ako bata?"
Napalingon ako sa Magcouple na nag-aaway sa skate boards section.Pilit na hinihila palabas ng tyange ng babae ang boyfriend niya, mukhang mayaman ang babae pati ang lalaki ay mukhang pamilyar.
"It's not for you so stop complaining!"
Tumigil ang mundo ko nang makita ang lalaking apat na taon kong hinintay, hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako na may kasama siyang babae. Mukhang silang perfect couple kahit ang ibang mamimili ay nakangiting nakatingin sakanila. Sumikip ang dibdib ko habang pinapanood ang babaeng nakakapit sa braso niya. He lied. Sabi niya babalikan niya ako.. sabi niya ako lang.
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya saakin four years ago. Siguro peke din ang infinity necklace nito, kasing peke ng mga pangako niya.
"Loui.." wala sa sariling kong tawag sakaniya kaya napalingon silang dalawa saakin. Nagulat ako saka tumalikod, naglakad ako papunta sa Cashier dala dala ang beach ball na ireregalo ko kay Kylister, mabilis ko iyon na binayaran.
Paglabas ko ay doon na nagsituluan ang mga luha ko. Hanggang sa biyahe ay tahimik akong umiyak sa sulok, hindi ko na tinuonan ng pansin ang mga nakatingin saakin na mga pasahero. Totoo ata ang kasabihan. Madalas daw ang mga matatalino ay bigo sa pag-ibig.
Tinanggal ko ang kwintas saaking leeg saka itinapon iyon sa labas ng jeep. Wala na akong pake kung totoo iyon o peke basta siya ang nagbigay ayoko na. Bahala na kung sinong makapulot non, sana malasin din sila.
"TITAAA!"
Pagdating ko sa bahay ni Ailyn ay sinalubong ako ng yakap ni Kylister, kinuha agad niya ang dala kong bola saka pinaglaruan iyon sa salas. Si Ailyn naman ay busy sa pagluluto kaya naisipan kong tumulong. Pagkatapos ng gabing umiyak siya four years ago ay mag-isa niyang binangon ang sarili niya. Hindi na rin siya tinanggap muli ni tito sa bahay nila, kahit si Andrew ay hindi ko na rin nakita pagkatapos noon. Minsan kapag nagtatrabaho siya ay ako ang nag-aalaga kay kyle sa bahay namin, hindi na rin kami nakikitira kay aling bebang dahil napagawa na namin ulit ang bahay namin na nasunog.
"Oh bakit mukha atang umiyak ka gurlaley? Namatay ba aso nyo?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga biro niya na hindi nakakatuwa.
"May nakita lang akong nakakiyak kanina." sagot ko habang hinahalo ang Macaroni salad. Papunta na rin sila mama at papa pati ang mga kapatid ko maliban kay Tonton dahil pagkatapos ng pasok niya sa school ay may shift siya sa McDonald's.
"Ano? Si bebe Loui may kahalikan na iba?" natatawa niyang tanong kaya nanahimik ako. Pumanhik ako sa banyo saka doon umiyak. Nga naman kung kailan ka na ready sumabak sa gera di naman ako nainform na tapos na pala. I'm happy he came back but iba pala ang binalikan. Ang sakit. Yung feeling na kaala mo kasama ka sa gala tapos iwan ka lang pala sa bahay, yung bihis na bihis ka na pero iniwan ka parin sa bahay para magbantay.
Ginawa lang akong aso na inabandona. Hindi man lang siya nagtext o tumawag na break na kami para naman hindi na ako nasaktan ng ganito. Sayang yung panahon na inisip ko ang kalagayan niya, gumaling siya pero iba na pala ang kinababaliwan. Umasa ako sa wala, para akong naghintay na mabuhay ang patay.
Naghilamos ako ng mukha para di halata nang kumatok si Ailyn. "Sammy nandyan na sila Tita! Okay ka lang?? Sorry na.."
Nakangiti akong lumabas kahit alam kong nararamdaman ni Ailyn ang bigat na nararamdaman ko. "Okay ka lang? Biro lang iyon ano kaba! Baba--"
"May iba na siya"
Natahimik din siya sa sinabi ko, sinuri pa niya ang mukha ko kung nagbibiro ako o hindi. Nanlingid din ang luha niya saka niyakap ako. Si Kyle naman ay tumakbo galing salas nang mapansin niyang umiiyak kaming dalawa ng mommy niya, niyakap niya din kami kahit hindi niya alam kung anong dahilan. Mabuti pa si Ailyn may anghel na magpapagaan sa pakiramdam niya.
"Saan mo nakita? Baka naman namamalik mata ka lang. Sure ka?Kilala natin si Loui baliw na baliw iyon sayo eh." umiling lang ako saka muling umiyak. I've seen and heard enough, I'm just one of his Obssesion but it didn't change the fact that people change.
"Wag na tayong malungkot, birthday ngayon ng inaanak ko. Diba baby Kyle?"
Mabilis itong tumango saka muling tumungo sa salas kung nasaan sila mama at papa. Kalaro din niya si Grace kahit nagiging masungit na ito minsan.
"Kaya pala hindi ko na napansin yung kwintas.. tinapon mo noh?"
Natawa lang ako sa tanong ni Ailyn, kilala niya nga ako.
"Magwawalwal tayo mamaya! Kakalimutan natin Si G*go Loui! Mga lalaki ala kwenta!" nasapo ko ang noo ko nang isigaw niya ang huling linya ng sinabi niya, baka kapag narinig iyon ni papa ay makatikim na naman siya ng Sermon.
Bumalik na kami sa ginagawa naming mga desert. Si ailyn ang nalagay ng chocolate icing sa cake ni kyle ako naman ay hinanda na ang chocolate fountain, marsh mallow,biscuits na pwedeng isaw-saw sa chocolates. Inimbitahan din kasi ni Ailyn ang mga anak ng mga kapitbahay nila. Pati ang mga anak ng pinsan ni Ailyn ay pupunta rin daw.
"Mommy! Mommy!"
Sabay kaming napalingon ni Ailyn kay kyle na may dalang skateboard na may nakataling pulang ribbon sa gitna at may papel na kulay pula din itong hawak.
"What is it baby Kyle ko?" tanong ni Ailyn habang dinedekorasyunan ang cake.
"Mommy, there is a stanger outside that give me this gift and this letter for Tita Sammy." aniya saka inabot saakin ang pulang papel. Natataka akong binuklat iyon, sa handwritten palang ay kilala ko na kung sino.
'At my House'
Sa sobrang tipid nitong magsulat ay kilala ko na ang estranghero na nagbigay nito sa inaanak ko. Na naman.. Walang hiya.

BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romansa(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...