OBSESSION CHAPTER 9

316 9 0
                                    

HARD

PAGKATAPOS kong magluto ay pumunta ako sa salas pero wala akong naabutang tao kahit isa.Naalala ko ang mga lalaking nakabonet!Baka sinundan nila ako dito dahil nakita ko ang mga pinaggagagawa nila,sila papa at mama baka dinukot nila!Yung mga kapatid ko!Si aling bebang jusko!Siguradong kahit gaano pa katapang at kalakas si Loui ay hindi niya iyon malalabanan lahat dahil mas malaki ang mga katawan nito at tatlo iyon!

Nilibot ko ang buong bahay pero wala parin akong natagpuan ni isa Kaya mas lalong tumindi ang takot ko.Nagmadali akong lumabas nang may narinig ako nagtitilian na mga babae,pagkalabas ko ay laking pasalamat ko nang makita sila papa at mama pati sila Aling bebang saka ang mga kapatid kong pinapanood si Loui na buhat-buhat ang dalawang balde ng tubig papunta dito sa bahay.Nakahalf naked lang ito at pawis na pawis,kitang -kita ang mga kumikintab nitong mga masels at abs kaya todo tilian ang mga kababaihan dito saamin,Ako naman ay 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung kikiligin ba ako dahil sa ginagawa niya o maiinis dahul pinagpipiyestahan siya ng mga babae.Bakit pa kasi kailangang makiigib sa poso ng kapit-bahay kung meron naman kaming dipwel at nawasa?Alam ko utos iyon ni papa pero nakakainis!

"Ayusin mo tumitilansik yung mga tubig!Sayang!"saway ni papa na kung maggala sa labas ay parang walang bali sa hita,baka mamaya ay mabangga iyon ng mga babaeng nagpupumilit na pumasok sa gate.

"Pa,ma!Tama na iyan kakain na tayo!"Sigaw ko ko sakanila akma pang magrereklamo si papa ng pigilan siya ni mama at tinulak ang wheel chair niya papasok ng bahay kasama ang mga kapatid ko,si Aling bebang naman ay isinara na ang gate para matigil na kakausyoso ang mga malalandi.Pagdaan nito saakin ay pabiro pa akong binangga sa Balakang saka binigyan ako ng makahulugang tingin bago tuluyang pumasok.Nakapasok na rin si Loui na dire-diretso papasok ng banyo kung saan isasalin ang tubig sa malaking imbakan namin ng tubig doon.

Hindi ko naman ito pinansin at tinignan ang mga masusuyong babae na ayaw umalis,nakasilip pa ang mga ito sa gate na para bang inaabangan lumabas si Loui.Mga makakati talaga!

"This is the first time i saw you wear that apron,you are really making me hard this little things."nagtaasan ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang pawisan niyang katawan niya sa likuran ko,dikit na dikit siya saakin na pati ang ang sandata niya ay ramdam ko na rin.Hindi naman ako makagalaw dahil natulos ako sa kinatatayuan ko.Hahalikan na sana niya ang leeg ko nang dumagundong na naman ang Boses ni papa mula sa kusina na nagbabanta,siguro ay naramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon katulad kanina nang makita ko ang mga lalaking nakabonet.

Bigo naman akong nilayuan ni Loui at naunang tumungo sa kusina,ako naman ay binigyan ko pa ng nagbabantang tingin ang mga babae bago sila pagsarhan ng pinto.Sumunod na rin ako sa kusina at naabutan ko silang masiglang kumakain lalo na si Loui na mukhang gutom na gutom kung makakain,
sabagay siguro'y napagod ito sa pabalik-balik para lang mag-igib ng tubig.Kita ko ang pagkasabik nito dahil iyon ang paborito niya dinoble ko pa ang anghang non para sakaniya.Nagtawanan kami ng iluwa ni grace ang ulam siguro dahil sobrang anghang noon,Aasikasuhin na sana ni mama nang unahan siya ni Loui na inalalayan na si Grace na uminom ng tubig pinunasan pa nito ang bibig saka inosenteng tumingin saamin ni papa na sabay pang napailing dahil halatang nagpapakitang gilas.Nagluto ako ng tocino para kay grace dahil masyado pa siyang bata para sa maaanghang.

HAbang kumakain ay tinadtad ni papa si Loui ng mga katanungan,naungkat pa tuloy yung dati naming relasyon na nagsimula sa Internet.Buti nalang at hindi nagalit si papa at mama.

"Siguraduhin mo lang na aalagaan mo talaga ang anak ko at kung hindi ay isesemento kita ng buhay sa lupa."Banta na naman ni papa na dinagdagan pa nila Aling bebang at mama,napangiti naman ako ng palihim dahil sa pag-aalala nila saakin.Ngayon ay panatag naman na ang loob ko dahil hindi naman pala si Loui ang may mga pakana ng mga sugat ng dalawa kong kaibigan kundi ang mga misteryosong mga lalaking nakabonet,lalo na yung leader nilang nakaSun glasses kahit madilim.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon