OBSSESION CHAPTER 18

180 6 0
                                        

CONFRONT

BUMANGON ako sa pagkakahiga at todo alalay naman sila Justin at Sir Constantine, kung sermonan ako kaala mo may bali ako sa likod.

Kaya pala nandito silang lahat dahil uwian na, tapos pinapasok pa nila yung siraulo. Dapat sa lalaking iyon pinapalayas sa mga lugar na pinupuntahan ko palagi. Nakakagulo siya ng utak, kanina para siyang siraulo na sinigawan ako tapos sa isang iglap naging concern? Ay hindi, Baka guilty.

Medyo umayos na ang pakiramdam ko, pahinga lang pala ang katapat. Sabay-sabay na daw ulit kaming lahat na uuwi para saakin hindi naman din daw dala ni Ralph ang motor niya kaya wala naman naging problema.

"Bumalik na pala si G*go?Ang lakas magpakita dito, nagdala pa ng higad. Kailan pa kayo nagbreak non? Last time siya parin ang bukambibig mo ah? Bakit ganon?" Sunod-sunod na tanong ni Rogielyn habang pinapanood akong magbihis, ramdam ko na nanggagalaiti din siya sa EX boyfriend ko. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako din ay umasa, nakakatawa lang.

"Wag mong sabihin na naibigay mo ang perlas ng silanganan kaya wala ng pakelam si Rich boy?"

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa tanong ni Rogielyn. Hindi ako nakasagot at inisip ang mga pangyayari. Madali nga akong bumigay noong araw na iyon.. Kaya ba siya ganito saakin ngayon kasi iniisip niya mukha lang talaga akong pera? Kasi Filipina ako..? Ganoon ba talaga ang tingin ng mga Foreigner saaming mga filipina?

'Ipapagpalit ka rin niya! Maghintay ka lang, you're just one of gold digger who digs for gold para isangla lang sa bangko.'

Si Laica, ganoon din ang tingin niya saakin. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na rin siya nakita na napadpad dito. Totoo nga.. ipapagpalit din niya ako.

Lumingon ako kay Rogielyn, napanguso ako nang makitang nakataas ang kilay niya na parang inaabangan talaga ang sagot ko. Marahan lang akong tumango saka inayos ang gamit sa bag.

"ANO?!! BAKIT?! KAILAN?! SAAN?! TANGA KA BA?! INIWAN--"

"Matagal na.. Noong Bago ako magtapos ng Highschool. Hindi ako tanga para ibigay iyon sakaniya ngayon na niloko niya ako." sabi ko saka pabirong binangga ang balakang niya bago lumabas ng locker. Paglabas ko ay naabutan ko ang tatlo kong kaibigan na lalaki na nakaupo sa mga upuan habang nakatingin ng masama kay Loui na prenteng nakaupo sa kaharap nilang upuan.

Mukha silang naglalaban gamit ang mga mata. Pare-pareho pa sila ng ayos ng upo. Nakadekwatro at nakakrus ang mga braso. Nakabihis na din yung tatlo, si Loui naman ay ganon parin ang suot pero wala na yung girlfriend niya.

"Uhmm..? Tara na?" aya ko sakanilang tatlo. Natawa pa ako nang sabay-sabay silang tumayo at naglakad palabas nang hindi inaalis ang tingin kay Loui.

Nilingon ko din si Rogielyn na lumabas na din sa Locker room. Tinanguhan ko siya saka sabay kaming lumabas, inunahan na din kami ni Loui na lumabas dahil isasara na ng mga security guards ang Restaurant.

Dumiretso kaming dalawa ni Rogielyn sa Tatlong kulupong na nakabusangot habang nakatingin sa kotse ni Loui. Kagaya iyon ng pinuri dati ni Justin at Ralph, yung halos yakapin nila pero ngayon sa titig nila doon ay halos masunog ito.

Nagulat ako nang bigla akong lagpasan ni Rogielyn at  tumakbo ito palapit kay Ralph saka niyakap ito, lumalambot naman ang ekspresyon ng boyfriend niya saka niyakap siya pabalik at hinalikan sa noo. Natulala ako sa ginawa nila, not that hindi nila ginagawa iyon palagi pero parang nangiingit sila.

"Samsam uwi na tayo."

Naglakad ako palapit palapit kay Sir Constantine saka tininanggap ang nakalaan niyang kamay. Napalingon kaming lahat kay Loui nang magtunugan ang kamao niya na nakayukom, Halata pa ang panginginig niyon na parang nagpipigil ng galit. Mula sa pagkakayuko niya ay Umangat ang tingin niya saakin, walang emosyon ang mukha nitong lumapit saakin saka inagaw ang kamay ko sa pagkakahawak kay Sir Constantine.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon