OBSESSION Chapter 2

654 17 2
                                    

Denied

Nagising ako sa pamilyar na amoy ng alcohol, naalala ko tuloy ang lahat ng nangyari kanina. Sa sobrang daming nangyari ay ayoko na isipin pa.

Napatingin ako sa pinto at nakitang si Ms Perez and pumasok sa kwarto. Hindi ito ang unang beses na napunta ako dito sa Clinic kaya halos kilala ko na lahat ang Nurse dito, isa na si Ms Perez doon. Dalaga pa at may hitsura si Ms Perez kaya madalas siyang dayuhin ng mga lalaking students na nagpapanggap na may nararamdaman.

"I see.. Base sa mga resulta kulang ka sa pahinga, over fatigue saka pansin kong masyado kang stress lately. Family problems?" Ang sabi agad ni Ms Perez habang parang binabasa ang chart na hawak niya.

Hindi na ako nagulat sa mga sinabi ni Ms Perez dahil madalas din talaga akong pagod galing trabaho at madalas wala ng tulog. Apat ang part time jobs ko at nanghihinayang ako kung bibitawan ko ang isa doon dahil saakin din umaasa ang magulang at kapatid ko.

Kahit nagtatrabaho si papa bilang isang construction worker ay di parin yon sapat para saaming tatlong magkakapatid sapagkat kailangan ng maintenance medicine ni mama para sakaniyang sakit sa Diabetes.

"A-ano po kasi--"

"Alam ko ang laking pressure ng pagiging scholar but you need some rest, stay here and sleep for atleast 3-5 hours kung ayaw mong maulit yung nangyari kanina. Kami na bahala sa excuse letter mo." nakagiti niyang saad kaya nanghihinayang akong tumango at umayos sa pagkakahiga, mukhang di ako makakapasok ngayon sa part time jobs ko, itetext ko nalang si manager mamaya, nakakahiya naman sakanila sana maintindihan nila.

Pinanood ko nalang si Ms Perez na mag-ayos ng mga papeles sa cabinet, kahit papaano makakapagpahinga din ako kahit limang oras lang. Wala naman sigurong masama doon. Biglang bumukas ang pinto ng clinic at iniluwa ang dalawa kong kaibigan si Ailyn at Andrew, halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. Masaya ako dahil nandito sila at iingay na dito sa clinic kaso nga lang..

"Omygosh! Bakla! Ano bang nangyari sayo?! A--" bungad kaagad ni Andrew.

"Excuse me students kailangan ng pahinga ni Ms Trinidad, bumalik nalang kayo sa klase--" ang Sabi ni Ms Perez pero pabalang na binarahan ito ni Ailyn.

"Saglit lang Ms Perez kaibigan namin ito, natural lang na mag-alala kami. Ichecheck lang naman namin siya, malaki bang bawas iyon sa pahinga niya? Bakit may renta ba itong kama--"

Hindi na naituloy ni Ailyn ang sasabihin niya nang takpan ni Andrew ang bibig niya.

"Ang dami mong say, tara na nakakahiya kang babae ka. Pagaling ka samsam! Mamaya nalang namin ikukwento! Babye!" Huling bati ni Andrew habang hatak-hatak palayo si Ailyn.

Kumaway nalang ako bago sila mawala sa paningin ko, Napansin ko pang nagpupumiglas si Ailyn. Natawa nalang ako sa kabalastugan ng mga kaibigan ko. Agad akong napatingin kay Ms.Perez na nakangiti ngayon na para bang wala lang sakaniya ang sinabi ni Ailyn, paniguradong sanay na siya sa mga ganoong tagpo.

"Anak talaga sila ni Mr. At Mrs. Paletino ang tatalas ng dila. Rest now Ms.Trinidad." Umiiling na Sabi ni Ms Perez.

Ewan ko ba pero kapag tinatawag akong Miss Pakiramdam ko napaka importante ko na tao.

"Oo nga po pala Ms.Perez sino pong nagbuhat sakin papunta dito? Gusto ko lang po sanang pasalamatan, alam ko pong mabigat ako kaya nakakahiya po sa nagbuhat." Tanong ko para mabago ang topic.

Napaisip naman si Ms Perez sa tanong ko. Hindi naman siguro siya yung nagbuhat diba?

"Yung SSG president pero bago iyon ay Nagtalo pa sila ng visitor kung sinong magbubuhat.. Meron ba kayong ugnayan ni Mr. Salviola? Kanina kasi mukhang sobra siyang nag-aalala sayo." Sagot ni Ms Perez.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon