OBSSESION CHAPTER 17

169 7 0
                                    

OBSSESION CHAPTER 17 : THICK AND THIN

MATAPOS ang birthday party ni Kylister ay sinunod ko ang nakasulat sa letter na ipindala niya, kung dati ay hindi ko sinunod ang letter niya na nakasulat sa condom ay ngayon iba na. I'm going to change my path so the history won't repeat itself. I'm sick of dramas tapos na akong umasa, sapat na ang dalawang beses dahil kung papangatlo pa ako ay tawag doon tanga na bobo.

I'm not going because I miss him.. yeah part of me pero hindi iyon ang main reason.

Hindi na kami tuloy nakapagwalwalan ni Ailyn kasi mas pinili kong pumunta rito saka tambak din ang gawain niya sa paglilipit doon kaya sa susunod nalang.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay niya ay agad na pinagbuksan ako ni Manang ng gate, yung hindi tumulong saakin noong humihingi ako ng tulong sakanila. Marahan niyang hinawakan ang braso ko saka inaya papunta sa Kwarto ni Loui, pinapasok niya ako roon saka isinarado ang pinto.

Walang pinagbago sa hitsura, maliban sa naging mas malinis ito kumpara dati na makalat. Walang ibang tao sa loob kundi ako lang, sa tingin ko ay wala rin tao sa banyo at walk in closet niya dahil wala naman akong naririnig na ingay mula roon.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya, memories brings back. Kung paano niya ako itapon sa kama, noong naghubad siya,pati kung paano niya ako hawakan ng mahigpit nang sinubukan ko noong tumakas sa terrace.. umiling-iling ako nang maalala ko kung paano na naman niya ako halikan noon. Well i guess it was all just a lie and lust, it's nothing for him kasi babaero siya. Baka nga pati yung sakit niya ay kasinungalingan din.

Naibigay ko pa ata ang Pagkababae ko sa maling tao.

Imbis na maupo sa kama ay napagtripan kong lumabas sa terrace, may anti-gravity chair dito at coffee table pero naupo ako sa sahig. Pakiramdam ko kapag ginamit ko ang mga bagay na iyon ay may kapalit na bayad.

Pinanood ko kung paano lumubog ang araw sa kanluran, unti-unting lumabas ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Pero kahit na punong-puno ng mga kumikinang na bituin ang kalangitan ay hindi parin maitatago ang dilim. It was like a perfect combination of Dark and light but i still feel empty. Wala akong maramdaman.

Maya-maya ay napadako ang paningin ko sa pamilyar na sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Mula roon ay mukhang masayang lumabas ang dalawang magkasintahan. Kaala ko pabago-bago siya ng sasakyan kada babae. Kung sabagay kapag nagsawa siya ay iiwanan rin naman din niya.

Pinanood ko lang sila na pumasok sa bahay na ito. Ilang sandali ay narinig ko din ang marahan na pagbukas ng pinto ng kwarto kahit nakasarado ang sliding door ng terrace.

Rinig ko din ang yabag ng isang pares ng sapatos papalapit saakin.Bumukas ang sliding door sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Who the f*ck are you?" 

Mahinahon na may bahid ng pagkaarogante sa boses niya. Same old Loui's voice but i feel no goosebumps or something.

Tumayo ako pero hindi parin humarap sakaniya. "Oh i see? Sammantha isn't it? You are not invited, so get out."

Hinarap ko siya saka tinaasan ng kilay, gusto kong umiyak pero wala akong maramdaman. I feel nothing.

Nakasuot ako ngayon ng Long sleeve black and white stripes v-neck office blouse at naka Black fitted Maong pants ako saka naka Cream flat shoes.

Nakangisi lang siya saakin with a same dangerously eyes looking at me. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago kagatin ang pang ibaba niyang labi. "Sexy"

Pero kaagad din na nawala ang ngisi at mayabang niyang mukha nang huminto ang mata niya sa leeg ko, nilibot niya ulit ang tingin niya sa buong katawan ko na parang may hinahanap. Umigting ang panga niya sa galit nang hindi niya nakita ang bagay na tinapon ko kanina lang. Nagdilim ang paningin niya saka naglakad palapit saakin.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon